EPISODE 2

3132 Words
PLACE: ROMANO FLOWER SHOP TIME: 3:15PM ELLYSE MARIE ROMANO “Grabe Bes! Valentine’s na Valentines ngayon pero ang hina ng benta natin. Tingnan mo, oh! Ang dami pa nating mga bulaklak,” reklamo sa akin ni Alona na napapakamot na ng ulo. BFF ko na siya since elementary at katulong ko sa pagpapatakbo nitong flower shop. Nilibot ko nang tingin ang kabuuan ng flower shop. Oo nga, ang dami pang bulaklak na narito. Noong nakaraang Valentine’s day naman hindi ganito katumal ang benta. “Anong gagawin natin? Eh sa matumal talaga ngayon,” napapasimangot na wika ko. Ang hirap pa naman kapag hindi naubos ang mga bulaklak, nalalanta kasi ang iba kaya kinabukasan hindi na rin pwedeng ibenta. “Hay! Bakit kaya ganito?! Ang tumal!” reklamo pa ni Alona na kulang na lang ay maglupasay sa sahig. “Siguro kaya matumal ang benta ngayon ng mga bulaklak ay dahil marami ng mag-jowa ang nag-break ngayon. Siyempre alangan naman na kailanganin pa nilang bilhan ng bulaklak ang babae na hihiwalayan nila,” saad ko. Malay mo, tama ako, ‘di ba? “Mas mabenta pa nga ang mga bulaklak natin noong araw ng mga patay kaysa ngayong araw ng mga puso,” dagdag ko pa. “O ‘di kaya, hindi na bumibili ang mga lalaki ng bulaklak para sa mga girlfriends nila ay dahil sine-save nila ang pera para mag may motel sila. Alam mo na? Magto-to-toot!” natatawang sabi naman ni Alona saka ngumiti pa ng nakakaloko. Napataas ang kanang kilay ko. “Ikaw, Alona! Parang may alam ka na sa ganyan, ha!” sabi ko at nang-aasar na ngumiti ako. “Bakit? Totoo naman, ‘di ba? Ang habol lang naman minsan ng mga lalaki sa mga babae ay ang toot. Hindi na nga ako nagtataka kung maraming nababalita na babaeng nabubuntis tapos iniiwan ng lalaki. Ang mga babae kasi, ang hilig bumukaka ng hindi man lang nag-iisip ang magiging consequence ng actions nila. Tapos ang sisisihin ng mga babae kapag iniwan sila ng lalaki ay ang lalaki. Eh apparently, dapat ring sisihin ang mga babae dahil kundi dahil sa hindi rin sila nagbibigay ng motibo sa lalaki, hindi rin naman sila gagalawin ng lalaki, ‘di ba? Ang mga lalaki kasi, iba rin minsan mag-isip ang mga iyan at minsan rin pabago-bago kaya dapat tayong mga babae, mag-ingat dahil mahal man natin ang mga lalaking iniibig natin, hindi natin alam na baka iwanan rin nila tayo. Ang mga lalaki kasi, mahilig magsabi ng I love you pero minsan hanggang salita lang, hindi kayang mapanindigan,” mahabang litanya ni Alona na nagpatanga talaga sa akin. “Grabe ka naman, Alona. Sinisisi mo ba ang mga kapwa natin babae?” tanong ko. “Hindi naman sa ganun… kaya lang, hindi dapat sa lalaki ang lahat ng sisi kundi pati na rin sa babae,” sabi niya. “Kumbaga… half-half dapat. Ano pa at sinasabi nilang dapat pantay-pantay lang dapat ang mga tao?” aniya pa. Umiling-iling ako. “Kasalanan ba na magmahal ng wagas? Kasalanan ba na magbigay ng lagpas sa inaasahan dahil nagmamahal? Wala naman sigurong kahit sino, ke-babae o lalaki ang may kasalanan tungkol sa bagay na ‘yan, ‘di ba?” tanong ko. “Nagmamahal lang naman ang tao at kapag nagmamahal, minsan nagiging baliw tayo at sa tingin ko, wala namang masama doon,” wika ko pa. “Wala ngang masama pero dapat alam pa rin natin ang ating limitasyon. Kaya nga hindi lang puso ang ibinigay sa atin kundi pati na rin utak,” pag-depensa ni Alona. Napaismid ako. “Ikaw kung makapagsalita ka diyan parang may experience ka na,” sabi ko. “Kailangan ba may experience para makapagsabi ng mga ganun? Pwede bang nabasa ko muna sa libro kaya nalaman ko?” Nang-aasar ang ngiti niya. Edi siya na palabasa. “Ikaw talaga!” wika ko na lang. “Ako naman, I’m sure na mahal ako ni Dominic at hindi niya ako iiwanan,” siguradong-sigurado na sambit ko at naalala ko ang mahal na mahal kong boyfriend na si Dominic. Napaka-gwapo niya sa paningin ko. “Huwag kang pakasisigurado diyan, Bes,” wika ni Alona. Hay! Minsan talaga nega ang babaeng ito. Minsan lang ba? “Ito payong kaibigan, don’t give your all to Dominic. Magtira ka para sa sarili mo. Magtira ka hindi lang ng pera kundi pati ng pagmamahal para sa sarili mo kasi oras na maiwan ka, ikaw din ang kawawa. Magtira ka para sa sarili mo para hindi ka masyadong masaktan,” seryosong saad pa niya. “Hindi ko naman sinasabi na iiwanan ka ni Dominc, sinasabi ko lang ito dahil kilala na kita. Matindi ka magmahal to the point na wala nang natitira para sa sarili mo dahil ibinibigay mo ang one hundred and one percent. At ayokong mangyari sayo ang mga nangyayari na nababasa ko sa romance novels kung saan halos mabaliw na ang bidang babae dahil iniwan sila ng kanilang minamahal,” saad pa niya. Ngumiti siya ng maliit. “Alam kong malakas ka pero mukhang pagdating kay Dominic, ewan ko lang,” aniya pa at nag-smirk. Ngumiti ako. “Bes, don’t worry, masaktan man ako ng dahil sa pag-ibig na ‘yan, alam kong nandyan ka for me dahil dadamayan mo ako. Alam ko na ikaw ang kaisa-isang tao na hindi ako iiwan kaya nga mas mahal pa kita kaysa kay Dominic eh kasi ikaw ang nag-iisa kong best friend,” nangingiting wika ko. Lumapit ako kay Alona at niyakap ko siya. Siya talaga ang best friend ko na kasangga ko sa lahat. Kasama ko sa hirap at ginhawa man. Umulan o bumagyo. Siya ang tagapayo ko, ang nanay ko, ang kapatid ko. Lahat-lahat. Gumanti naman sa akin ng yakap si Alona. “Ang drama naman natin. Hay! Ganito ba ang epekto ng walang benta,” wika niya na nagpatawa sa aming dalawa. By the way, bago ko makalimutan, ipakikilala ko muna ang sarili ko. Ako nga pala si Ellyse Marie Romano, kaka-eighteen ko pa lang last month. Hindi naman bongga ang debut ko nun. Hindi nga ako naghanda kasi gastos lang. Mas nanaisin ko pa kasing ipampuhunan dito sa flower shop ang gagamiting pera para sa birthday ko kaysa maghanda pa. Pero bumili kami nun ng isang gallon ng ice cream. Okay na iyon saka monay. Speaking of flower Shop, ito ang kaisa-isang negosyo na namana ko mula sa aking mga magulang na sadly, kaagad na kinuha ng Poong Maykapal sa buhay ko. Mga fourteen years old ako nang mawala sila due to vehicle accident. Papunta kasi ang magulang ko noon ng Baguio City sakay ng truck namin na pang-deliver ng mga bulaklak. Kukuha kasi sila ng mga bulaklak doon ang kaso, ‘yun nga, na-aksidente sila at hindi na nakaligtas. Dapat nga sasama pa ako nun eh kaso hindi na nila ako isinama dahil wala raw kasama si Alona. Sabi ko nga, best friend ko na si Alona since elementary. Magkaibigan kasi ang mga magulang ko at magulang niya. ‘Yun nga lang tulad ko, ulilang lubos na rin si Alona. Mas maagang namatay ang mga magulang niya dahil naman sa plane crash. Papunta kasi ng London ang mga parents niya para sana dalawin ang family friend nila ang kaso, sa hindi inaasahang pangyayari, bumagsak ang eroplano na sinasakyan nila na naging mitsa ng maaga na pagkamatay ng magulang ni Alona. Sa tanda ko eleven years old pa lang noon si Alona. Ang hindi namin alam, baon pala sa utang ang pamilya niya kaya halos walang natira kay Alona dahil kinuha lahat ng pinagkakautangan ng magulang niya ang lahat ng mga ari-arian nila. Kami na ang kumupkop sa kanya dahil wala rin naman na siyang kamag-anak. Saka okay lang din naman sa akin dahil nag-iisang anak lang ako na babae nila mama at papa. Masaya nga ako kasi nagkaroon ako ng instant kapatid. Mahirap ang maging isang ulila sa murang edad. Lahat na yata ng hirap sa buhay naranasan namin ni Alona. Pero hindi naman ‘yung klase nang hirap na kailangan naming mamalimos sa kalsada para lang may pangkain. Mabuti na nga lamang at naiwan nila mama at papa ang Romano’s Flower Shop kung saan magkatulong kami ni Alona sa pagpapatakbo at pagpapalago nito. Ito ang bumubuhay sa amin ngayon. Hindi naman gaunu kalaki ang kinikita ng aming flower shop pero sapat na para matustusan ang mga pangangailangan naming dalawa at mga dapat bayaran pa. Hinawakan ko ang kwintas na aking suot dahil naalala ko si mama. Isa itong heart-shaped necklace na bigay na aking namayapang ina. Ang sabi niya sa akin noon, napaka-importante raw sa kanya nito kaya dapat ingatan ko ito dahil ito rin daw ang alaala na ipapabaon niya sa akin kahit na mawala siya. Nabubuksan nga itong heart pendant. May picture sa loob. Si mama ang nasa picture katabi ang isang babae na hindi ko naman kilala. Siguro, isa iyon sa mga mahahalagang tao sa buhay ni mama. Hindi ako kagandahan. Sabi ko ‘yan sa sarili ko pero sabi naman nang ibang tao na nakakakita sa akin at nakakakilala, maganda raw ako. Medyo chinita nag aking mga mata. Makinis at maputi ang aking kutis, matangos ang aking ilong at ang labi ko na may kaliitan at natural na pula. Balingkinitan ang aking pangangatawan. Hindi naman ako ganun kapandak, mga nasa five-five ang tangkad ko kapag wala akong suot na panapin sa paa. Si Alona naman, although kayumanggi ang balat niya, masasabi kong black beauty siya. Bilugan ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, mapula ang medyo may kakapalan na labi. Makinis ang kutis niya at sexy ang katawan. Maliit lang siya sa akin ng kaunti. Pareho kaming nasa eighteen years old na. Mas nauna nga lang siyang mag- eighteen sa akin ilang buwan na ang nakalipas. At higit sa lahat na importante, pure dalagang filipina kami! Hahaha! Kung ako ay may boyfriend na si Dominic, si Alona naman ay NBSB or no boyfriend since birth. Ayaw niyang mag-boyfriend dahil hassle lang daw sa buhay. Ang sarap kaya magkaroon ng boyfriend, ‘yung taong magmamahal sayo. ‘Yung taong babati sayo ng good morning sa umaga, good afternoon sa hapon at good night sa gabi. Ako nga, natagpuan ko na siya, si Dominic, my one true love. Sabi nila, hindi naman daw gwapo si Dominic. Pero para sa akin, siya na ang pinaka-gwapong lalaki sa buong mundo kaya hindi ako nakikinig sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Kahit na ang pinaka-pangit na bagay na nakikita ng iba sa taong mahal mo, ito ang pinakamaganda sa paningin mo? Hay! Ganun talaga! Mahal ko si Dominic. Mahal na mahal. Pero sabi ko nga, mas mahal ko pa rin si Alona dahil siya ang best friend ko. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa kaya kinuha ko ito. Hindi naman ganun kaganda at ka-latest ang model nang phone ko. Speaking of Dominic, nag-text siya sa akin. “Hay! Ngumingiti na naman siya na parang tanga.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Alona patungkol sa akin. Binasa ko ang text ni Dominic. ‘Hi Baby! I miss you. Kumain ka na ba ng miryenda mo? Huwag kang papagutom. Kumain ka sa oras para hindi ako masyadong mag-alala sayo. I love you,’ Basa ko sa text ni Dominic na naging sanhi nang pagkakilig ko. Kahit na minsan lang kami magkita ni Dominic, hindi pa rin siya pumapalya na pakiligin ako kahit sa text lang. Oo nga pala, four months na ang tinatagal ng relasyon namin and it’s going strong. “Parang kiti-kiti ka na naman diyan na kinikilig,” nang-aasar na wika ni Alona. Tiningnan ko naman siya at saka nginitian ng matamis. Nang-aasar ang ngiti niya sa labi. “Bakit ba? Eh sa nakakakilig si Dominic,” sabi ko saka ngumuso. “Aba-aba-aba! Ngumunguso ka pang bruhilda ka!” pambabara sa akin ni Alona saka tumawa. Bigla ko na lang inabot at ginulo ang itim buhok ni Alona na hanggang likod ang haba at straight saka tinawanan siya. “Selos ka naman! Mas mahal pa kita doon, ‘no! Mas mahal pa kita dahil kapatid kita,” nangingiting saad ko. Bigla na lang din ginulo ni Alona ang buhok kong wavy na hanggang likod rin ang haba at may pagkakulay copper. “Gantihan lang, Tsong!” natatawang sabi niya habang inaayos ang ginulo kong buhok. Natawa na lang ako sa sinabi ni Alona. Habang inaayos ko ang aking buhok ay nakaisip naman ako nang isang bright idea. Para ngang may lumabas na light bulb sa ibabaw nang ulo ko. “Alam mo? May naisip akong paraan para kahit papaano ay maka-benta tayo ng mga bulaklak,” sabi ko kay Alona. Tinaasan ako ng kanang kilay ni Alona. “At ano naman iyon?” tanong niya. “Bakit kaya hindi tayo magtinda sa Dangwa? Sentro iyon at puntahan ng mga mamimili na bumibili ng mga bulaklak,” sabi ko. Napataas ang magkabilang kilay ni Alona dahil sa sinabi ko. “Hello! Ang mahal ng pwesto dun. Wala tayo ngayong pang-upa doon dahil nga ang tumal ng kita natin,” aniya. “At isa pa, maraming kakompetensya doon kaya mahirap din ang makabenta,” wika pa niya. Napangiti lang ako. “Huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala. Ikaw ang magbabantay dito sa flower shop at ako ang magbebenta dun. Diskarte lang ang kailangan para maka-benta kahit maraming kakompetensya. Saka isa pa, sinong may sabi sayo na uupa ako ng pwesto? Sa tabi pa lang ng kalsada pwede ka nang magbenta, ‘di ba?” saad ko with matching pagtaas-taas pa ng kilay. “Ewan ko sayo, Bes! Bahala ka kung ‘yan ang gusto mo. Basta mag-text ka lang sa akin kung kakailanganin mo ako dun, okay. Huwag ka ring mag-alala dahil ako naman ang bahala dito sa flower shop.” Napangiti ako sa sinabi ni Alona. “Basta magtulungan tayo, siguaradong hayahay ang buhay!” sabi ko kay Alona at niyakap ko ito sa leeg. Pilit namang pumapalag si Alona mula sa akin na ikinatawa ko lang. --- THIRD PERSON “Nasaan si Mommy?” pagtatanong ni Yuri sa katulong na nakasalubong niya pagkapasok niya ng kanilang bahay ay este mansion. “Nasa office po niya, Sir. Kanina pa nga po kayo hinihintay,” magalang na sagot ng katulong sa tanong ni Yuri. Tumango na lamang si Yuri sa katulong ng makuha nito ang hinihinging sagot sa tanong niya saka na niya ito tinalikuran at tinungo ang home office ng kanyang mommy. --- “What?! “ Malakas na sigaw na tanong ni Yuri sa kanyang ina na napatakip naman ng dalawang tenga. Pure Korean ang kanyang ina kaya korean na korean ang beauty nito. Maganda at sexy. Pero since birth ay nakatira na ito sa Pilipinas kaya bihasa na ito sa pananagalog. Sino ba naman kasi ang hindi mapapasigaw gaya ni Yuri kung maririnig mula mismo sa bibig ng iyong ina na ikakasal ka na sa isang babaeng hindi mo naman kilala? Gulat na gulat talaga siya at hindi makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang ina sa kanya. Akala pa naman niya may ibibigay itong magandang regalo ‘yun pala ay matinding sakit ng ulo. ‘Dapat pala sinamahan ko na lang sila Drew at Philipp,’ sa isip-isip pa niya nang maalala niya ang pag-aaya ng mga kaibigan niya na uminom. “Son, huwag mo naman akong sigawan. Nakakabingi ang sigaw mo,” reklamo nito habang kinakalikot ang magkabilang tenga. “Napag-usapan na rin namin ito ng daddy mo kaya whether you like it or not, matutuloy ang kasal mo,” aniya pa. “Saka matagal na rin namang plano ito. Wala ka pa sa mundo, planado na ito. Ito ang kapalaran mo, Yuri at bilang nag-iisa naming anak na lalaki, papakasalan mo ang babaeng itinadhana naming makasama mo habang-buhay,” nangingiting sabi ng mommy niya na si Ji na tumigil na sa pagkalikot ng tenga at umayos sa pag-upo sa sofa. “Mom!” Napailing-iling nang mabagal si Yuri dahil sa nalaman. Hindi niya akalain na bago pa pala siya ipanganak sa mundo ay may babae ng naka-tadhana para makasama niya for the rest of his life. Hindi siya makapaniwalang itinakda na ng parents niya ang buhay niya sa future. “That’s ridiculous! Ipapakasal niyo ko sa isang babaeng hindi ko naman kilala?” singhal na tanong pa ni Yuri. “Hindi mo man siya kilala pero kilalang-kilala namin ang mga magulang niya. At nangako kami na kapag nagkaanak, ipagkakasundo namin ang aming mga anak at ngayon, ito na ang tamang panahon para maisakatuparan ang pangako na iyon. In due time, makikilala mo na rin ang babaeng nakatakda para maging asawa mo,” paglalahad ng kanyang Mommy Ji. Naningkit ang mga mata ni Yuri. “At anong gagawin ninyo kung hindi ako pumayag na pakasalan ang babaeng itinakda niniyo para maging asawa ko?” pagtatanong ni Yuri. Nakatingin ito sa kanyang ina na nanghahamon. Nangiti si mommy Ji. “Kung sakali man na hindi mo sundin ang gusto namin, napag-usapan na rin namain ito nang daddy mo noong isang araw bago siya pumunta papuntang Thailand,” wika niya at tinapatan ang nanghahamon na tingin ng kanyang anak. “Lahat ng meron ka ngayon, mawawala sayo sa isang iglap lang.” dugtong nito sa sinabi saka mas ngumiti. “Mawawalan ka ng lahat na parang bula,” pagbabanta pa niya. Nanlalaki naman ang mga mata ni Yuri. Hindi siya makapaniwala. “Hindi niyo magagawa sa akin ‘yan!” singhal ni Yuri sa mommy niya. “Hinding-hindi!” napapailing pa na sambit niya. “Huwag mo kaming subukan,” nangingiting sambit ni mommy Ji. Mabagal na umiling-iling si Yuri. “Your crazy, Mom,” ang nasabi na lamang niya na mababanaag ang pagkainis sa mukha habang tinititigan ng diretso ang kanyang ina. “No, Son. Sine-secure ko lang ang magandang future mo,” nangingiting sambit ni mommy Ji. Napailing-iling na lamang si Yuri at mabilis na tinalikuran ang ina. Hindi niya maintindihan ang magulang kung bakit ginagawa ito sa kanya ngayon. Uso pa pala sa panahon ngayon ang arranged marriage? ‘At talagang mawawala sa akin ang lahat sa oras na hindi ko sundin ang gusto niya? Hay! Hindi na talaga kita maintindihan mommy,’ sa isip-isip ni Yuri. ‘At sino ba ang babaeng papakasalan ko?’ tanong pa niya. “Hay! Bakit ko ba tinatanong? As if namang interesado akong pakasalan siya! Bwisit! Bwisit! Bwisit!” Gigil na gigil na wika ni Yuri sa hangin. Huminto siya sa paglalakad at pinadyak-padyak ang mga paa saka ginulo-g**o ang buhok dahil sa sobrang pagkainis sa mommy niya. “Bakit ba kasi naging mommy ko pa siya! Kainis talaga!” nanggagalaiti na sambit pa ni Yuri na parang batang nagmamaktol sa gitna ng hallway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD