Lumingon si Rose at nagulat siya nang makita siya Erik na nakasuot ng black tshirt at dilaw na sumbrero. Mabango ang binata at may dala siyang slim bag. Nakangiti ito nang tumingi siya. "Kumusta, Rose? Sorry kung nagtampo ako kanina. Medyo over acting lang ako at napagtanto ko na hindi ako dapat nanghihimasok sa personal mong buhay," sabi ni Erik. "Bakit ka nandito?" gulat na tanong ni Rose . "Oh bakit? Hindi ba ako puwedeng pumunta dito? Gusto kitang kuhain para sa isang gabi. I am your customer and customer is alway right," sagot ng pilyong binata. "Teka lang, okay ka lang ba? Kasi parang ang awkward naman kung gusto mo akong kuhain. May ibang babae naman diyan na puwede mong kuhain eh," pagtanggi ni Rose sa alok niya. "What? Eh bakit wala ba akong karapatan na mamili kung sino ang

