Sa kabilang banda, napagod si Cherry sa pakikipagtalik sa kanyang asawa, kaya natulog siya sa kama. Samantalang si Jake ay naninigarilyo sa labas ng kanyang bahay, maraming iniisip. Naputol ang kanyang pagmumuni muni nang huminto ang isang pamilyar na van sa harapan ng kanilang mansyon. Ibinagsak niya ang kanyang sigarilyo sa lupa at tinapakan iyon para mapatay ang apoy. Pagbukas ng van ay bumungad si Thomas at ang lima niyang bodyguard. Nanlaki ang mata niya sa gulat. "Anong ginagawa nila dito?" tanong ni Jake sa sarili. Lumapit siya sa pinto at binuksan ito. "It has been a while Jake... would you mind if I come inside? May isang mahalagang bagay na gusto kong personal na pag-usapan sa iyo!" Isang seryosong ngiti ang ibinigay ni Thomas kay Jake na parang may binabalak. Nanginginig si

