EPISODE 54 IRRITATED ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Kayo pala ang bagong nakabili sa pamamahay ng mga Cruz, hija? Ang ganda mo naman! Asawa mo ba ‘yung kasama mo dyan sa bahay?” Bahagya akong napangiwi sa naging tanong ng tindera dito sa sari-sari store na malapit lang sa pamamahay namin ni Alonzo. Bibili kasi ako ngayon ng breadpan na pagkain dahil yun ang gusto kong kainin at nakita ko iyon na nakasabit dito kaya pumunta na ako. Ngayon ang unang beses na may nagtanong sakin tungkol sa paglipat namin ni Alonzo. Ayoko naman na maging mataray at snob kaya sinagot ko na lang ito. “Yes po, kami nga po. Hindi ko po asawa ang kasama ko, boyfriend ko po siya,” sabi ko at bahagyang ngumiti rito. Nakita ko ang gulat sa ekspresyon sa kanyang mukha. “Boyfriend mo pa ‘yun, Hija? Bakit hindi pa

