EPISODE 68 THE POWER OF LOVE ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Tama na! Hindi ko na kaya ang sakit! Itigil niyo na ‘yan!” Napapikit ako sa aking mga mata at napasiksik ako sa dibdib ni Dad habang naririnig ko ang malakas na pagsigaw ni Alonzo habang labis na nasasaktan. May pumasok na mga doktor sa loob ng kulungan ni Alonzo at nililinis nila ngayon ang kanyang dugo. Hindi ko alam kung ano ang itinurok nila kay Alonzo ngayon at kung bakit ito sumisigaw, pero ang alam ko lang ay nasasaktan siya ngayon at nasasaktan din ako sa aking nakikita at naririnig. “Argh! Papatayin ko kayo! Bitawan niyo ako! Alisin nyo ‘tong posas sa mga kamay ko!” galit na sigaw ni Alonzo. Nagiging agresibo na naman siya. “Alessandra, umalis ka na muna. Makakasama ito sa inyo ng anak mo. Bibigyan na lang kita ng u

