EPISODE 65 DESPERATE ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. “Parang awa mo na, Belle, ilabas mo na si Alonzo,” nanghihina kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanya. Malamig ang kanyang ekspresyon ngayon habang nakatingin sa akin. Parang biglang nawala ang pagiging maamo ng kanyang mukha. “Even if I know where my brother is, I will never tell you. Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang tahimik namin na pamilya. You killed my father, you killed my sister, and you killed my brother! Ikaw ang malas sa buhay ni Kuya, Alessandra, tandaan mo ‘yan. Kaya kung alam ko man kung nasaan siya, hindi ko siya ibibigay sayo. Ilalayo ko siya sayo.” Sarkastiko akong tumawa at napailing at malamig siyang tinignan. “Wala kang alam mga nangyari, Little Brioschi. Alam mo ba na baliw ‘yung kapatid mo na si Ludovica

