Nang magising ang ama ni Luis ay agad niyang kinausap ito. "Kamusta na pakiramdam ninyo Pa?" tanong niya. "Mabuti na din naman." sagot niya saka bumangon sa kama. "Talagang hindi ka titigilan ng mga kapatid ninyong mukhang pera. Hindi na lang sila magtrabaho kaysa hingi ng hingi sa inyo. Sampahan natin ng kaso para matigil na sila." "Hayaan mo na iho, kapatid ko pa rin 'yun. Siguro panahon na para ilipat ko sa 'yo ang pamamahala." "Mas mabuti pa nga Pa. Hindi ka na nila magagalaw pa kapag nangyari iyon." sang-ayon niya. "Pero siyempre yung usapan natin anak. Ayaw kong tumunganga naman sa bahay na kapag nasa sa iyong pamamahala na ang lahat." paalala ng ama. Ang usapan nilang kailangan niyang maikasal. "Speaking of that Pa, nakausap ko na si Angela. Pumapayag na siyang magpakasal sa

