Biglang tumayo si Senyor Lucio sa kinauupuan. Akala noon ni Luis ay magagalit ito dahil sa kanilang ginawa. "Kung nagawa mo man sa amin iyon ay mapapatawad ka namin dahil anak ka namin at naniniwala kami sa 'yo. Kung masaya kayo ay wala kaming karapatan na pigilan kayong dalawa kung totoong nagmamahalan kayo." wika niya. Nilapitan ni Luis ang ama saka ito niyakap. "Salamat Pa." "Salamat din sa pagtatapat iho. Hindi pa rin magbabago ang lahat. Ikaw pa rin ang hahawak sa lahat ng mayroon tayo. Kita mo nung naisalin sa 'yo ang lahat ay hindi na ako ginugulo ng mga kapatid ko." masayang wika ng matanda. Ang ina naman ni Angela ang hindi nakaimik sa lahat ng mga pinagtapat nila. Marami itong tanong na gustong itanong sa anak. "Ma, okay lang po ba kayo?" tanong ni Angela. "Ah eh, oo anak

