Kabanata 3

1215 Words
"Yago kumain kana at mamalengke ako tumawag si ate mo kanina kinakamusta ka. Tumawag ka daw mamaya sa kanya". Kalmadong sabi ni manang saakin. Manang what time na po ba? Tanong ko kay manang na hinahanap ang listahan ng mga bibilhin nya.. Aba utoy alasdose na. Nauna na si drake kumain sayo galing dito kanina babalik nalang daw sya pag gising mo. Sagot sa akin ni manang Gago na yon na una pa sakin kumain. Hawak hawak ko ang cellphone ko at tinext ko sya kung nasaan sya hindi nag reply si drake. Siguro nakipag meet up na sa chiks na sinasabi nya sa akin. Bago ako kumain nag group message ako sa TG na gising na ko. Hudyat na pwede na sila pumunta at gising na ang pinaka gwapong nilalang na nabubuhay sa balat ng lupa.. Pag katapos ko kumain agad agad kong tinawagan si ate khaira. Sinabi nya lang sa akin na mis nya na ko at ni mommy kinukulit ako na don na daw ako mag collage sa italy. Na agad ko naman tinangihan at iniba ang usapan namin mag kapatid. Miss ko na rin naman si ate at si mom. Pero wala pa talaga sa plano ko na mag punta sa italy dahil iniisip ko na may maiiwan akong mga mahalagang tao dito sa pilipinas. Mabilis na lumipas ang oras at nandito na ang mga kaibigan ko nakatambay at nag sa soundtrip with foodtrip. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Nandito si jean pero wala si anne. Nasaan si anne? Tanong ko sa kanila Gumagawa ng project kasama ang manliligaw. Sagot ni jean habang tutok na tutok sa cellphone. Ano kaya pinapanuod neto. Anong project nun nila baby? Biro ni drake natawa naman kami ni kelvin sa sinabi ni drake kahit kailan talaga wala tong kwenta kausap. Sinamaan naman sya ng tingin ni jean. " wag nyo nga igaya si anne sa mga babae nyong pala kantutin." Here we go again kaya nanahimik nalang kami dahil pambabara lang isasagot ni jean sa lahat ng tanong namin. Bat ba di ka maistorbo sino ba katext mo ha? Iritadong tanong ni kelvin na napansin din pala na busy masyado sa cellphone si jean. Pakelam mo ba? Si lara kausap ko pupunta daw dito. Sabay pakita ng cellphone kay kelvin.. Di pala nanunuod may katext pala.. Nagkatinginan kami agad ni drake sa kilos ng dalawa. Naka akbay si kelvin at komportable ang amazona. Ehem!! Ubo ni drake para kunin ang atensyon ng dalawa napansin naman agad ni jean yon kaya agad syang lumayo sa tabi ni kelvin. Si kelvin naman ay tumingin sa amin na napa iling at pinahihiwatig na sagabal kami sa moment nila. Basag trip ka talaga kahit kelan gago. Bulong ko kay drake na tawa lang ng tawa.. Ilang sandali lang tumayo si jean. San ka punta? Tanong ni kelvin sa labidabs nya.. Feeling jowa ang hayup ah.. Susunduin si lara nandyan na daw sa kanto. Yags mag papa alam paba ko sayo na patatambayin ko nalang din dito si lara? boring na boring yun sa buhay nya sa bahay nila. May magagawa ba ko sayo? Biro ko sa kanya. Pupuntahan ko na gaga pa naman yon pala desisyon. Paalam samin ni jean bago lumabas ng pinto. Tumango nalang ako tutal bukas naman ang bahay ko para sa lahat. Vin bebe mo kahit kelan napaka suplada parang araw araw may regla!. Ungot ni drake kay kelvin pag ka alis na pag ka alis ni jean. Yaan mo sya dun sya masaya. Nga pala alam mo bwiset ka sarap ng akbay ko kay jean basag trip ka gago ka. Sagot ni kelvin kay drake na kinatawa namin tatlo. Sino ba yung lara na yon bat susunduin pa ni jean ano yun imported? Pag iiba ni drake ng topic. Classmate namin yon bestfriend ni jean sa room tsaka ni anne. May grupo din sila sa room 9 na babae isang binabae. Paliwanag ni kelvin kay drake. Nakikinig lang ako sa topic nila kasi ka text ko si hannah. Isa sa tatlong natitirang babae ko. Maganda? - drake Di ko masabi para sa akin sakto lang? - kelvin Edi hindi nga maganda. Sabat ko Di ko masabi kase yags alam mo naman si jean lang maganda sa paningin ko diba?. Seryosong pag kaka sabi ni kelvin. Sabagay may point naman din. Patay na patay sya kay amazona e. Pero dami nag kaka gusto dun pre sa room kaso di nya pinapansin. Pahabol ni kelvin. Edi maganda den siguro no. Ganto nalang pag pustahan nalang naten?. - drake. Nakuha ni drake ang atensyon ko sa sinabi nya. Panong pustahan ba? Tanong ko na parang nag kaka interes sa trip na naiisip ni drake. Labas ako dyan ha! Ayoko ng mga ganyan trip malilintikan ako kay jean. Agad na apila ni kelvin na takot na takot kay jean na akala mo naman may relasyon.. Ganto yags diba napaka pogi mo? Oo naman alam mo yan pre. sagot ko kay drake. Pwes ikaw mauuna lumandi don pag nakuha mo ilalakad kita kay athena. Nag ningning naman ang mata ko sa sinabi ni drake. Sabi mo yan ha! E pano si mark? Tanong ko kay drake. Ako bahala sa pinsan ko na yon. Ilalakad kita kay athena pag napasagot mo yung lara tsaka na puntusan mo ng isa. Nakipag deal naman agad ako kay drake bahala na kung anong itchura ng lara na yon. Ang mahalaga saakin ilakad nya ko kay athena na kapatid ni mark at pantasya ko matagal na. Crush ko si athena matagal na. Sinabi ko kay mark noon kaso binantaan naman ako ng gago na di nya ko gusto para sa kapatid nya. Naintindihan ko naman yon kasi alam ni mark ang kalokohan ko sa babae. Kaya hindi ko na diniskartehan. Ayoko din naman na mag away kami kasi kaibigan ko din naman sya. At nirerespeto ko ang mga desisyon nya sa buhay. Wala din si mark dito ngayon. nag text na kasama nya si marie gagawa daw sila baby yon ang totoo at tunay na may project ng baby.. Hindi si anne. Mahal nya si marie kahit hindi nya sabihin sa amin. Dahil kitang kita naman kahit minsan ni yayabang nya na mas patay na patay sa kanya ang dalaga. Nag kukwentuhan kaming tatlo ng biglang pumasok si jean kasama ang classmate nya na sinundo nya sa kanto. Nabigla naman ako dahil yung babaeng humahagalpak ng tawa nung nasa canteen kami nung nakaraan yun pala ang lara. Lara pala ang pangalan nya. Hindi ko pina halata sa mga kaibigan ko na nabigla ako.. Pinakilala sya sa amin ni jean at ngiti lang ang sagot nya sa amin. Nag pa kilala din kami sa kanya isa isa para mag muka kaming gentleman. Narealize ko na cute pala sya. Binabawi ko na yung sinasabi ko na local sya. Pero hindi padin sya imported sa paningin ko. Class A pwede pa. Pag ka upo na pag kaupo nya nag ka salubong kami ng tingin. Ngitnitian nya ko kaya nginitian ko den sya. hinagod ko sya ng tingin palihim. Hindi kata asan, morena ang kulay, mahaba ang buhok maliit na matangos ang ilong, manipis na labi at pantay pantay na ngipin. May singkit na mata tsaka magandang ngiti higit sa lahat may malaking dibdib at balingkinitang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD