Chapter 1

2364 Words
Chapter 1 Victoria *Rat-tat-tat-tat!* Ang sunod-sunod na putok ng assault rifle bumasag sa katahimikan ng gabi rito sa Tagaytay. Nabitawan ko ang aking kutsara. Ang umuusok na mangkok ng Bulalo sa harap ko ay tuluyan ko nang kinalimutan. "Miss, ang bayad mo—" hindi na natapos ng tindera ang sasabihin niya dahil mabilis siyang sumubsob sa ilalim ng kahoy na counter. Hindi ko na siya nilingon. Sa isang iglap, hinatak ko ang itim na hoodie ko sa kabilang upuan habang mabilis nadulas ang kamay ko sa bulsa para makuha ang aking pulang maskara. Ang pintig ng puso ko sumunod sa ritmo ng mga bala, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa adrenaline na matagal ko nang kasiping. Nag-iwan ako ng ilang pirasong papel na bills sa lamesa, tumalon sa bakod ng bukas na kainan, at tumakbo patungo sa pinagmulan ng ingay. Ang bawat hakbang ko sa gitna ng madilim at mabasang kalsada ay walang tunog. Para akong aninong lumulusot sa makapal na hamog. Bilang isang elite member ng BON, alam ko ang amoy ng kamatayan. At ngayon, napakalabo nito. Pagdating ko sa pinangyarihan, isang itim na armored SUV ang nakabaligtad sa gitna ng kalsada, naglalabas ng makapal na usok habang ang amoy ng sunog na goma at petrolyo ay sumusuot sa ilong ko. Tatlong lalaking nakasuot ng barong ang nakahandusay malapit sa sasakyan. May tig-iisang butas sila sa noo. Isang malinis at propesyonal na execution style ng grupong Sniper Snake. "T-tulong..." isang paos na bulong ang narinig ko mula sa wasak na bintana ng SUV. Si Don Ronaldo Rosso, ang nakita ko. Kilala ko siya dahil lahat ng matataas at makapangyarihan tao ay nasa files ng BON. Gumagapang siya palabas, punit-punit ang mamahaling polo at naliligo sa sarili niyang dugo mula sa balikat. Ang lalaking matagal ko nang binabantayan ay sa wakas ay nasa harap ko na. Mula sa anino ng mga puno, tatlong hitman na nakasuot ng tactical gear ang lumapit. Ang lider nila ay ngumisi, dahan-dahang itinutok ang dulo ng kaniyang rifle sa sentido ng matanda. "Masyado kang naging kampante, Rosso," pang-uuyam ng lider. "Dito na nagtatapos ang swerte mo." "Hindi hangga't nandito ako," bulong ko sa sarili ko. Hindi ako nag-aksaya ng segundo. Sumugod ako mula sa likod ng punong kahoy at pinakawalan ang isang matinding flying side-kick diretso sa panga ng lider. BOGSH! "F-f**k!" narinig ko ang malutong na tunog ng pagkabali ng kaniyang panga bago siya tumilapon nang ilang metro at mabitawan ang kaniyang baril. Sa gitna ng kaniyang pagtalsik, mabilis kong isinuot ang aking pulang maskara at hinatak ang hood ng aking jacket, ipinapakita ang malaking burda ng *Red Dragon sa aking likuran. "Sino ang hayop na 'yan?! Patayin niyo!" sigaw ng ikalawang hitman habang pinihit ang kaniyang baril sa direksyon ko. Rat-tat-tat! Mabilis akong gumulong sa ilalim ng nakabaligtad na SUV. Ramdam ko ang init ng mga balang tumatama sa metal, naglilikha ng mga kislap na panandaliang tumanglaw sa dilim. 'Isa. Dalawa. Tatlo.' Binilang ko ang bawat putok. Nang marinig ko ang munting tunog ng pag-reload ng kaniyang magazine, sumulpot ako mula sa ilalim. Inagaw ko ang kaniyang braso, pinihit ko ito pabaliktad, at binalian siya ng siko. CRACK! "Ahhhh! Ang kamay ko!" hiyaw niya. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon; isang malakas na siko sa kaniyang sikmura ang nagpadapa sa kaniya, at sinundan ko ito ng isang matinding sipa sa kaniyang ulo hanggang sa tumahimik siya. "Mamatay ka, gago!" sabi ko at ang ikatlong hitman naman ang sumugod, hawak ang isang tactical knife na mabilis niyang isinaksak sa dibdib ko. Yumuko ako nang bahagya, naramdaman ang lamig ng patalim na dumaan sa aking pisngi. Hinawakan ko ang kaniyang pulsuhan, binaliktad ang direksyon ng kutsilyo, at sa isang mabilis na tulak ay bumaon ito sa sarili niyang hita. "s**t!" daing niya habang napaluhod. Sinunggaban ko ang kaniyang buhok at malakas na ipinatama ang aking tuhod sa kaniyang mukha. Bumagsak siyang walang malay. Natahimik ang paligid sa loob ng ilang segundo. Humarap ako kay Don Ronaldo, na noon ay nakatitig sa aking maskara nang may halong gulat at takot. "S-sino ka? Bakit mo ako tinutulungan?" tanong niya habang nanginginig ang duguang labi. Gamit ang voice modifier sa loob ng aking maskara, sumagot ako sa mekanikal na boses. "Huwag ka nang maraming tanong, Rosso. Kailangan nating umalis dito. May backup sila na paparating." Pilit ko siyang inalalayan na tumayo, binuhat ang kalahati ng kaniyang bigat habang dahan-dahan kaming naglalakad patungo sa aking itim na SUV na nakatago sa gilid ng daan. Ang bawat hakbang ay isang kalbaryo dahil sa madulas na kalsada dala ng hamog at sa bigat ng matanda. Ngunit bago pa man kami makalapit sa sasakyan, isang huling putok ng baril ang umalingawngaw. Bang! Ang lider ng mga hitman na akala ko ay tapos na ay muling bumangon sa semento, hawak ang isang maliit na handgun mula sa kaniyang tactical vest. Mabilis kong itinulak si Don Ronaldo sa likod ng isang puno para mailayo siya sa trajectory ng bala. Nailigtas ko siya, pero sa mabilis kong pagkilos sa madulas na semento, ang sarili ko namang katawan ang nalagay sa alanganin. Hindi ako tuluyang nakaiwas. *s***h!* Isang matalim at nanunuot na hapdi ang biglang gumuhit sa aking kanang paa. Ang sakit ay tila kuryenteng gumapang mula sa aking bukung-bukong hanggang sa aking utak. "Ah!" Isang maikling ungol ang kumawala sa mga labi ko habang napaluhod ako sa isang binti. Ramdam ko ang pagkapunit ng aking cargo pants kasabay ng paglaslas ng mainit na bakal sa aking balat. Ang init ng sariwang dugo ay agad na bumasa sa aking medyas at sapatos, nanunuot ang lagkit nito. "Red Dragon! Tinamaan ka!" sigaw ni Don Ronaldo mula sa likod ng puno, bakas ang matinding pag-aalala. Kinagat ko ang aking labi hanggang sa malasahan ko ang sarili kong dugo. Sa kabila ng hapdi na tila may sumasaksak na libu-libong karayom sa aking paa, pinilit kong tumayo. Hindi pwedeng dito ako matatapos sa kalsada ng Tagaytay. Lumingon ako sa lider na nakangisi pa habang muling itinutok ang baril sa akin. "Katapusan mo na, Red Dragon." "Hiram lang ang buhay mo," malamig kong sagot. Bago pa niya makalabit ang gatilyo, dinampot ko ang baril ng kaniyang kasama sa semento at sa isang mabilis na kalabit ay pinatamaan ko siya diretso sa gitna ng kaniyang mga mata. Nakita ko ang pagtalsik ng kaniyang dugo bago siya tuluyang bumagsak nang walang buhay. Tumayo ako at paika-ika na nagtungo sa pinagtaguan ni Don Rosso. Muli kong binuhat si Don Ronaldo, pinipilit ko na maglalakad nang tuwid kahit bawat tapak ko ay nag-iiwan ng pulang bakas ng dugo sa semento. Nang marating namin ang aking SUV, mabilis ko siyang isinakay sa passenger seat bago ako umikot sa driver's side, pinipigilan ang pag-ungol sa bawat kilos. Humarurot kami palayo sa Tagaytay, binabagtas ang madilim na kalsada pababa ng bundok. Ang bawat liko ng sasakyan ay nagpapakirot sa aking binti. Tinanggal ko ang aking maskara at itinapon ito sa backseat, hinahayaang dumaloy ang pawis sa aking mukha. "D-don Ronaldo, hawakan mo itong panyo. Idiin mo sa sugat mo sa balikat," utos ko habang nakatingin sa daan. Tumingin ako sa rear-view mirror at nakita ang matandang si Don Ronaldo na nakatitig sa akin nang may malalim na pagdududa. "Bakit mo ako iniligtas, Victoria?" tanong niya bigla, dahilan upang manigas ang buong katawan ko sa manibela. Alam niya ang pangalan ko. Nakita niya ang mukha ko bago ko pa naisuot ang maskara sa bulaluhan. "At bakit mo sinalo ang balang para sa akin?" Tumingin ako sa kaniyang repleksyon sa salamin, ang mga mata ko ay walang kahit anong emosyon. "Iniligtas kita dahil ikaw ang susi sa katarungang matagal ko nang hinahanap. At ang daplis na ito sa paa ko? Isang maliit na kabayaran lang ito para sa impormasyong ibibigay mo sa akin." "You are a Deor... the Red Dragon hoodie. Sa wakas nag-krus din ang landas natin." Napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Ang mga salitang iyon ni Don Ronaldo ay parang isang malamig na presensya na biglang humaplos sa likod ng aking leeg. Lalo kong pinisil ang manibela. Ang hapdi sa aking kanang paa ay tila nawalan ng boses sa tindi ng sipa ng kaba at pagtataka sa dibdib ko. Paano? Paano nalaman ng matandang ito ang totoong pangalan ko? At ang apelyido ko—ang apelyidong matagal ko nang ibinaon sa limot para lang mabuhay bilang isang anino sa ilalim ng BON? "Sino ka ba talaga, Don Ronaldo?" malamig kong tanong, hindi inaalis ang tingin sa madilim at palikong kalsada ng Tagaytay. "Isang beses mo lang nakita ang mukha ko nang walang maskara kanina sa bulaluhan. At sa pagkakaalam ko, ang BON lang nakakaalam ng pagkakilanlan ko at nakakabit sa totoong pagkatao ko. Paano mo nalaman kung sino ako?" Isang mahinang ubo ang kumawala sa matanda. Sumandal siya sa upuan ng SUV, hawak-hawak pa rin ang duguong balikat. Tumingin siya sa akin, may kakaibang emosyon sa kaniyang mga matang pagod—hindi takot, kundi isang uri ng pamilyar na pangungulila. "Bata ka pa lang, Victoria... pinasubaybayan na kita," mahinang bulong niya, halos malunod ng ugong ng makina ng sasakyan. "Bawat hakbang mo, bawat paglaki mo, alam ko. Lalo na... lalo na nang mamatay ang mga magulang mo. Hindi kita pinabayaan sa malayo." Napakunot ang noo ko. Ang mga ngipin ko ay nag-abot sa tindi ng tensyon. "Pinasubaybayan? Huwag mo akong itulad sa mga kalaban mo, matanda. Lumaki ako sa Nana Puring ko, bago ako nakuha ng organisasyon. Walang pamilyang Rosso na nagpakita sa akin noong mga panahong halos wala akong makain!" "Dahil iyon ang plano, Victoria," seryosong sabi niya, pilit na itinataas ang kaniyang boses sa kabila ng panghihina. "Ako... ako ang nagpadukot sa iyo noong labindalawang taong gulang ka. Marami kang pera, pero hindi mo iyon makukuha dahil iyon ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo." *SCREEEECH!* Isang marahas na pagpreno ang ginawa ko. Pabalbal na huminto ang SUV sa gilid ng madilim na kalsada, gumawa ng matinis na tunog na umalingawngaw sa gabi. Muntik nang sumubsob si Don Ronaldo sa dashboard kung hindi dahil sa seatbelt. Humarap ako sa kaniya, ang buong katawan ko ay nanginginig sa galit. Ang mga mata ko ay pumatak sa kaniya na parang dalawang talim. "Ano'ng sabi mo?" nanginginig ang boses ko, naging isang pabulong na banta. "Ikaw... ikaw ang nagpadukot sa akin?" Naalala ko ang gabing 'yon. Ang ulan, ang mga lalaking may takip ang mukha, ang takot ko habang isinisilid ako sa sako. Iyon ang gabing dinala ako sa impiyerno ng pagsasanay ng BON—kung saan tinuruan akong pumatay, humawak ng patalim, at maging manhid. At ngayon, ang matandang ito, na binalak kong paghigantihan, ang aamin na siya ang arkitekto ng bangungot ko? "Bakit mo ginawa 'yon?!" sigaw ko, tuluyan nang nawala ang kontrol ko. "Alam mo ba kung ano'ng pinagdaanan ko sa loob ng organisasyong 'yon? Araw-araw akong nakikipagpatayan para lang mabuhay! Ginawa mo akong halimaw!" Hindi umiwas ng tingin si Don Ronaldo. Sa halip, hinawakan niya ang aking braso gamit ang kaniyang nanginginig na kamay. "Para protektahan ka, Victoria! Iyon lang ang tanging paraan! At kung sa labas ka, matagal ka na sanag patay." "Proteksyon?! Ang ipasok ako sa isang network ng mga mamamatay-tao?!" Binalewala ko ang hawak niya at marahas kong tinampal ang kamay niya palayo. "Huwag mo akong gaguhin, Rosso! Ang pamilya mo ang dahilan kung bakit wala akong magulang ngayon! Ang mga Rosso ang huling kasama nina ina at ama bago sila natagpuang tadtad ng bala sa sarili naming bahay! Ikaw ang nagpapatay sa kanila!" "Hindi ako!" bulyaw ng matanda, sa unang pagkakataon ay rumesbak ang kaniyang boses, puno ng pait. Umiling siya nang paulit-ulit, ang mga luha ay nagbabadya sa kaniyang mga mata. "Wala akong kinalaman sa kamatayan ng mga matalik kong kaibigan! Si Juanito at Rosemarie, mga kapatid ang turing ko sa mga magulang mo, Victoria! Hinding-hindi ko magagawang ipapatay sila!" "Kasunduan ang huling hininga nila, Rosso! Nakita ko sa mga file!" pagmamatigas ko, habang ang hininga ko ay gumaralgal na. "Huwag kang magsinungaling sa harap ko!" "Kung hindi ka naniniwala sa akin, tanungin mo ang pinakapinuno ng BON," humihingal na hamon ni Don Ronaldo, pilit na itinuturo ang kaniyang daliri sa akin. "Tanungin mo si Vida! Siya ang nakakaalam ng lahat. Siya ang sinabihan ko noong bata ka pa na sanayin ka, gawin kang pinakamalakas... dahil alam kong balang araw, babalikan ka ng mga totoong pumatay sa mga magulang mo." Natigilan ako. Parang biglang nawalan ng hangin sa loob ng SUV. Si Madam Vida? Ang pinuno ng BON, ang babaeng itinuring kong master, ay kasabwat ng matandang ito? Pero ni minsan hindi ko pa nakita ang mukha ni Madam Vida. Naririnig ko lang palagi ang pangalan niya. "Ipinasok kita sa BON para magkaroon ka ng pangil, Victoria," patuloy ni Don Ronaldo, humina muli ang boses dahil sa nawawalang dugo sa kaniyang katawan. "Para kapag nalaman mo ang katotohanan, ikaw mismo... ikaw mismo ang may kakayahang makapaghigante sa mga taong nasa likod ng kamatayan ng pamilya mo. At hindi ang mga Rosso ang kaaway mo. Ginamit ko lang ang isyu ng paghihiganti mo para mapalapit ka sa anak kong si Zyross. Para maging protektor ka niya habang pinoprotektahan ka rin ng pangalan namin." Parang gustong sumabog ng utak ko. Gusto kong sumigaw, gustong magwala at pagbabarilin ang dashboard ng sasakyan. Ang buong buhay ko—ang bawat latay sa likod ko, ang bawat dugong dumanak sa mga kamay ko para sa hustisya ay sang malaking sarswela na pinlano ng matandang ito kasama ang sarili kong master. "Hindi... hindi ito totoo," bulong ko, habang unt-unting umaatras ang aking likod sa upuan ng driver. Tumingin ako sa labas ng bintana. Ang hamog sa Tagaytay ay lalong kumapal, tila nilalamon ang huling piraso ng katotohanang hinahawakan ko. Kung hindi ang mga Rosso ang pumatay sa mga magulang ko... sino? At ano ang totoong papel ni Zyross sa buhay ko? Lumingon ako muli kay Don Ronaldo, pero nakapikit na ang kaniyang mga mata, unti-unti nang nawawalan ng malay dahil sa sugat. Shit. Bago ako tuluyang mabaliw sa mga natuklasan ko, kailangan ko muna siyang panatilihing buhay. Dahil kapag namatay siya, kasama niyang maililibing ang mga sagot na pilit kong hinahanap sa dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD