Nagtatakang napaupo si Hara sa loob ng kaniyang waiting room. Hindi niya man pinahalata sa harapan ng camera at interviewer ay nagtataka siya dahil sa nangyari kay Greg. Yes, she hates the guts of that man pero hindi niya itinatanggi na minsan naman itong naging mabait at maalaga sa kaniya. Well, that was before he got the fame he has now. Fame can make someone greedy and greedy can make someone do something they shouldn't be doing. She sighed. Hindi niya maiwasang isipin kung sino ang may gaw. At saka bakit naman iyon gagawin kay Greg? Well, wala namang gagawin ang isang tao sa kapwa kung wala rin itong ginagawa sa kaniya. Pero iba na pala ngayon, kahit naging mabuti ka sa isang tao, pwede ka paring gawan ng ikakasama mo sa ibang tao. Other people should consider being a writer. Ang

