Pagkapatay palang ng tawag ay kaagad na siyang umalis sa kaniyang inuupuan at nagmadaling lumabas ng opisina. "Boss! Your house is under attack!" rinig niyang sigaw ng isa sa mga tao niya. Hindi siya umimik at tanging tango lang ang sinagot. Kalmado man siyang tignan pero sa kaniyang loob-looban ay kinakabahan siya. Ang babaeng mahal niya ay nasa loob ng bahay niya! Ang bahay na ngayon ay inaatake ng mga kalaban nila. Bakit ko ba kasi iniwan si Hara doon?! Sana hindi nalang ako umalis! But it's already too late, nangyayari na ang isa sa mga kinakatakutan niya. Ang masaktan si Hara dahil sa kaniya. Dapat nung unang basa niya palang sa message ay nakuha na niya kaagad ito. But he wasn't expecting na lilipad ang mga taga Colombia upang atakihin lang siya. And they found a perfect timing

