Hindi mabura ang ngiti ni Adam habang yakap si Mikay na tulog na tulog, ilang minuto na lang titigil na ang van sa mismong terminal ng Cavite kung nasaan iniwan niya ang tricycle nila. Ayaw pa niya itong gisingin nag eenjoy pa siya sa puwesto nila. Wala na ang matabang lalaki na katabi nila kanina kaya malaya si Adam na makagalaw. Gusto niya si Mikay mismo ang kusang magising para maeskandalo ito sa posisyon nila tiyak na magwawala ito pag nakita posisyon nilang dalawa. Bahagyang yumuko si Adam para tingnan ang dalaga at dahil sa ginawa niya bahagyang gumalaw si Mikay at aksidente na kumiskis ang labi nito sa labi niya bago isiniksik nito ang mukha sa leeg niya. Mabilis naman na napigilan ni Adam ang kamay ni Mikay na kumiskis sa hita niya na tataas sana at kung hindi niya napigilan ang ka

