“Gusto mong tumawid sa kabilang buhay,” singit ni Railey na biglang sumulpot. "Hay! Wag kang KJ... matanda na ang bunso mo." ani Dany. "Ako pa ba ang KJ pagkatapos n'yong ipag-alukan ang—." Natigil sa pag sasalita si Railey ng halikan bigla ni Megan ang asawa at may palihin na dakot pailalim na ikina-angat ng paa ni Railey. Naitakip naman ni Mikay ang kamay sa mukha ng makita ang ginawa ng ina. "Ganun ang tamang galaw anak, learn from the expert." wika ni Megan na tinawanan naman ni Daniella. "Menggay naman! Ngayon lang ako nag seryoso, ibalato mo na sa akin to." bulong ni Railey sa asawa na tumawa na lang na yumakap sa braso ng asawa. “Good evening po, sir.” usal ni Adam na bahagyang napalunok pero ngumiti pa rin saka yumuko ng ulo tanda ng pag respeto. “Hmm. Good evening.” Malamig

