Nahulog sa malalim na pag-iisip si Mikay habang nakatingin sa tatlong larawan na nasa screen, kahit anong kalkal niya sa record ni Nurse Gladys wala talaga siyang makuhang kahina-hinala rito. Legit naman ang lahat ng details na nakasulat sa record nito, like PSA, police record, NBI record. Ang hindi lang updated, single ang naka-record dito at hindi naka declare sa registry nito ang tungkol sa asawa nito at anak na according dito ay comatose ang asawa nito at namatay na ang anak nitong may Level 3 autism sa kapabayaan nito. At dahil wala siyang makuhang family history nito hindi niya alam kung ano ang pangalan ng asawa at anak nito kaya naman may inutusan agad siyang mga rookie na alamin at personal ang mga itong magtanong-tanong sa hometown ni Nurse Gladys na baka may nakakakilala kung si

