Pagkaputol ng tawag, ilang segundo lang na tulala si Mikay, nakatitig lang sa screen ng cellphone niya na puro static na lang ang nakikita. Napakagat labi si Mikay sabay iling hindi naman siguro seryoso si Adam, anong oras na parang imposible naman siguro na seryoso ito. “Pasaway talaga ‘tong lalaking ‘to…” bulong niya, sabay bagsak ng phone sa kama. Umikot siya ng pwesto, humiga nang nakadapa, at ibinaon ang mukha sa unan niya. Pero kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata, hindi mawala sa isip niya ang huling ngisi ni Adam bago mawala sa video call. “Hindi ‘yun magbibiro ng ganyan… hindi nga, no?” bulong niya uli sa sarili, sabay lingon sa orasan sa dingding — 12:05 a.m. “Hindi… hindi naman siguro…” pero ramdam niya na bumibilis ang t***k ng dibdib niya. Nakita niya pa ang reflect

