"Salamat." ani Mikay na hinubad ang helmet ng bumaba na siya sa motor ni Adam ng ihatid pa talaga siya nito sa bahay nila, kinagabihan ng sabado. Ayaw nitong pumayag na umuwi siyang mag-isa, usual commute nanaman muna sila na kinuha ang motor nito sa isang motel, bago siya hinatid sa bahay nila. "Tandaan mo kung anong dahilan ng pag-uwi mo ngayon." mariin pang wika ni Adam, na ikinakunot naman ng noo ni Mikay. Na napaawang pa ang bibig ng mahina siyang kutusan ni Adam sa ulo. "Dahil sa intel na kailangan mo at malawak na access. Hindi ka nandito para makipag date sa mukhang hito." natawa naman si Mikay. "Hoy! Adamson Brichmore... wag mo akong itulad sa'yo na basta maganda pinapatos." "Noon yun! Iba ngayon. Wag kang parang pirated CD na palagi mo nalang inuulit-ulit." ani Adam na binuha

