Tahimik ang tanghali na yun sa Angel’s Nest. Nasa labas si Mikay sa courtyard kung saan maraming matatandang mayayaman at mga high personality pa ang iba na nagtatago sa lugar na yun upang itago sa publiko ang sakit ng mga ito, sa mayayaman kasing importante ang mental health at kalagayan ng mga ito. Malaking issue yun pagdating sa mga malalaking empire kapag mahina na ang leader at ayaw gawin butas ang status ng kalusugan ng mga ito kaya itatago sa facility na yun. Tatlo sa limang personalidad ang nakita na ni Mikay ang naroon sa angels pero ang dalawa hindi pa. Parang ordinaryong home for the elderly lang talaga ang lugar na yun malinis, maaliwalas, at puno ng halaman. Pero sa loob, alam nila Adam na may mga bagay na hindi tugma sa imahe ng isang simpleng home care facility. Nag simul

