Nagkakandahahaba ang leeg ni Mikay sa pag hahanap kay Adam. Lunch break na ang cafeteria ng Prestige’s Academy ay puno ng ingay—clattering ng trays, tawanan ng mga barkada, at tilian ng mga estudyanteng dumadaan sa harap ng varsity table kung saan, syempre, nakaupo si Adam Brichmore, parang hari ng mundo. Sa sobrang popular nito ang dami ng galit ritong lalaking kabaro nito. Nang makita ito agad siyang ngumiti na naglakad patungo rito,
Hawak-hawak niya ang isang tray na may dalawang burger at dalawang iced tea. Nilagyan niya pa ng toothpick flag na may nakasulat "11th Time" hindi nabubura ang ngiti niya habang patungo sa mesa ng binata. Lahat ng mata nakasunod na sa kanya na parang nahulaan na kung anong gagawin niya.
"Okay, Mikay. Kaya mo ‘to," bulong niya sa sarili.
"Smile lang, walang aatrasan. Makapal mukha mo diba? Kaya go." wika pa niya sasarili niya. Diretso siyang lumapit sa varsity table, habang nararamdaman ang titig ng buong cafeteria. Naramdaman niya ang init sa pisngi niya pero kailangan niyang lakasan ang loob dahil no guts no, no glory. Pinilit niyang mas lakasan pa ang loob na maglakad nang may confidence.
"Hi, Adam!" ngumiti siya nang malapad, sabay inilapag ang tray sa harap ng binata.
"Special delivery for my future boyfriend. Burger for you, burger for me. Para tayong date." masiglang wika ni Mikay na naupo sa tapat ni Adam na talagang nag atrasan pa ang mga kaibigan nito para bigyan siya ng mauupuan.
Tumahimik ang mesa. Halos lahat ng teammates ni Adam napapigil ng tawa at nag aabang sa reaction ng binata. Si Adam naman nakatingin lang sa kanya, expressionless.
"What is this?"
"Proposal number eleven," sagot ni Mikay, sabay taas ng maliit na flag.
"Adamson Brichmore, will you be my boyfriend?"
Boom.
The whole cafeteria went wild—hiyawan, kantiyawan, tawanan. Naparang sanay na sanay na sa kaganapan, para nalang nanonood ang mga ito ng reality serye sa campus.
"Dude, eleven na?!" sigaw ng isa.
"Hindi talaga sumusuko! Patulan mo na." dagdag pa ng iba. Adam slowly pushed the tray back to her side habang na pipikon sa mga pinag sasabi ng mga kaibigan.
"Razon… ilang beses ko bang kailangan sabihin na No,"
"Until one hundred," mabilis niyang sagot, sabay ngiti ulit.
"Kasi yun ang promise ko diba." Tumawa ang ilang estudyante, pero hindi si Adam. Malamig ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.
"Let me make this clear, again." aniya, diretso ang boses na parang kutsilyong tumatama sa puso ni Mikay.
"You can propose a thousand times, but the answer will always be no. Hindi kita gusto. At never akong magkakagusto sa’yo."
Hindi naman naka imik si Mikay, tahimik lang siya nakatitig rito. Ramdam ni Mikay ang pagkirot ng puso nya syempre pero hindi siya umiyak gaya ng ibang babae na ni rereject ni Adam. Hindi ngayon. Hindi sa harap ng lahat. Instead, ngumiti siya ulit, kahit pilit. Malakas ang kutob niya na na nag papakipot lang talaga ito or baka naman consistent lang talaga siya.
"Well then… see you sa number twelve," bulong niya, sabay kuha ng burger saka nag lakad palayo.
At habang papalayo siya, pinagtatawanan siya ng iba, pero pinili niyang huwag lumingon. Kung wala itong feelings sa kanya hindi naman ito mag-aaksaya ng panahon na pansinin siya. Pero parang sanay na din naman ito sa ginagawa niya kaya ibig sabihin lang inaabangan na lang din nito ang gagawin niya.
Napasunod naman ng tingin si Adam, nanatili siya sa upuan habang nakikita niyang lumalayo si Mikay. Ang tigas ng mukha niya, pero sa loob-loob niya, may kakaibang kirot. Nakokonsensya talaga siya kapag ipinahihiya niya si Mikay. Hanggang kelan kaya nito ipapahiya ang sarili nito.
Sampung beses. Labing-isa. At kahit ilang beses ko siyang itaboy, heto pa rin siya. pabalik-pabalik na parang hindi na sasaktan.
Naiinis siya—hindi kay Mikay, kundi sa sarili niya. Kasi bakit, sa halip na mairita lang, may parte sa kanya na natutuwa? Na parang… inaabangan na niya kung ano pa ang susunod na gagawin nito. Pero hindi puwede. Hindi siya dapat nag papaapekto sa dalagita. So he picked up his iced tea, uminom ng isang lagok, at ngumiti nang malamig sabay buntong hininga.
"Good luck sa number twelve, Razon," bulong niya, kahit siya mismo hindi sigurado kung sino ba talaga ang sinusubok—si Mikay, o siya.
-
-
-
-
-
-
-
"Parang ayoko ng manood." wika ni Avery habang nakatingin kay Mikay na may bitbit na cartolina na pinag kaabalahan pa nitong gawin kanina.
"Umuwi na lang kaya tayo." wika naman ni Ivory.
"Ano ba kayong dalawa, kayo na nga lang kakampi ko iiwan n'yo pa ako." ani Mikay.
"E kasi naman nakakahiya ka na sa totoo lang. Parang wala ka ng itinirang pride sa sarili mo, pinag-iinitan ng lahat ang ate ni Adam. Dahil masyado siyang popular sa girl, lahat pinapatos niya ang ending ang binabalikan si Kenneth Brichmore."
"Exactly! hindi ba kayo nag tataka bakit lahat pinapatulan ni Adam tapos ako hindi? Ibig sabihin lang special ako, ganun lang yun." nagtawanan naman ang dalawa.
'Oo, special ka! Special child na daig pa ang mongoloid." wika ni Avery.
"Ang hard niyo sa akin talaga." agad na silang nag hanap ng mauupuan na malapit sa court. Puno na ang gym dahil ito ang unang game ng mga baguha varsity player laban sa mga 4th year vasity player na papalitan ng mga ito. Kaya naman maraming excited na manood.
Nakangiti siya habang pinapanood si Adam mag-shoot ng bola. Pawis na pawis ito, pero mas lalo siyang humanga dito dahil sa ginawa nito sa mga bata, kaya pala ito laging nag cu-cutting class para magpakain lang ng mga batang lansangan. Kaya kahit ilang beses akong mareject, ayoko pa ring tumigil dahil nasa tamang tao ako, at worth it ang lahat ng kahihiyang ito oras na sagutin niya ako.
"Okay, Mikay," bulong niya sa sarili.
"Time to shoot your shot." ani n'ya na umugong ang halftime break kaya nag mamadaling bumaba siya sa gilid ng court, bitbit ang banner, sabay sumigaw.
"ADAMSON BRICHMORE! PROPOSAL NUMBER TWELVE!" nagtakip naman ng mukha sila Avery at Ivory habang nag sisigaw si Mikay. Natigil sa pag-inom ng tubig ang mga player. Lahat ng teammates ni Adam napatingin sa kanya, ang ilan natatawa, ang ilan nakanganga na pigil ang tawa.
"Bro, ayan na naman siya!" sigaw ng isa.
"Grabe, persistent level 100!" dagdag ng iba. Hindi naman makapaniwala si Adam na lumapit kay Mikay.
"Razon," malamig niyang sabi, halatang naiirita.
"What the hell are you doing here?" Mikay, proud na proud pa habang hawak ang banner.
"Nagpapropose. For the twelfth time." ngisi pa ni Mikay, tumawa ang buong team.
"Say yes na kasi, future Captain!" kantiyaw ng isa.
"Dude, siya lang ang consistent sa’yo! Walang babaeng gaya niya..."dagdag pa ng isa pa bago nag high five ng katabi. Adam clenched his jaw. Naiinis. Hindi lang dahil nakakahiya—pero dahil, somewhere deep inside, natutuwa siyang lagi siyang na di nya mawari. Hinila niya ang kamay ni Mikay, halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nila. Diretso ang tingin niya sa mga mata nito.
"Razon. For the twelfth time… no." sagot ni Adam kasabay ng hudyat na tapos na ang halftime break.
"Noted. Number twelve: rejected. Pero don’t worry, Adam… only eighty-eight to go."Tinaas pa niya ang kamay na parang cheerleader.
"Go, Adam! Go, future boyfriend!" Nagtilian ang mga babae sa bleachers, at lalo pang dumami ang kantiyaw ng mga lalaki.
Si Adam, halos mapatigil sa paghinga, at gusto niyang sumigaw para lang tumigil na si Mikay. Pero bago pa niya masabi, tumalikod na ito at umakyat ulit sa bleachers, nakangiting para bang ito pa ang nanalo sabay kindat sa kanya.
"She’s crazy. Absolutely crazy." iling na ni Adam na tumakbo na pabalik sa loob ng court.
"Pag lumingon yan, type talaga ako niyan." wika pa ni Mikay na sakto naman lumingon nga si Adam sa kanila kaya naman kunwaring nangisay si Mikay na nahiga sa hita nila avery at ivory na natawa nalang sa loka-loka nilang kaibigan na malakas ang tama.