“Ladies and gentlemen, we have officially survived the talent portion of our twelve fabulous Mr. Pogay candidates!” Nagsigaw at palakpakan pa rin ang lahat mula sa audience, may ilan pa ring ang natatawa sa mga nagdaang talent show na talaga naman mga buwis-buhay ang mga ginawa matapatan lang si Adam at masasabi na magagaling din naman at talagang pinag handaan ng husto. “Kanina, we witnessed skills I didn’t even know were legal in school grounds. May nag-baton twirl, may nag-pole dance na muntik ng lumabas ang hindi dapat lumabas, may tumumbling na muntik mag-land sa judges—pero okay lang, covered daw ‘yan ng school insurance.” nagtawanan ang lahat kahit ang mga teacher na aliw na aliw sa event na yun. “Pero eto na! The moment na mas nakakapigil-hininga pa kaysa sa grades ng midterms

