"Dad, si Adam." tanong agad ni Mikay habang namamaos pa ang boses at halos hindi pa maimulat ng ayos ang katawan. Gustong mapamura ni Railey dahil si Adam agad ang hinanap ng anak niya samantalang naroon silang lahat yung wala pa ang hinanap nito. "Hindi ko alam." sagot ni Rai na siniko naman ni Megan na mabilis na hinawakan ang kamay ng anak. "Okay lang siya anak." "Gusto ko siyang makita Ma," "Makikita mo siya Bruk! Pag lumabas ka na dito." wika naman ni Maggy. "Gusto ko siyang makita." giit pa ni Mikay na pipilitin pa sanang bumangan pero pinigilan siya ng dalawa niyang Kuya. "Wag kang makulit Mikaela, makikita mo sabi siya kapag nakalabas ka na dito." mariin na wika ni Ivo. "Bakit pakiramdam ko, nag sisinungaling kayo sa akin." ani Mikay na pinipilit na igalaw ang katawan pero m

