Mabilis ang mga yapak ni Mikay sa hallway ng ospital, halos lakad takbo na ang gawin habang sinusundan ang direksyon na itinuro ng nurse sa front desk. Nakasuot pa siya ng uniform nila sa silver city na napapatungan lang jacket na suot. Hindi na siya nag-abalang mabihis pa sa pag mamadali na makausap si Adam dahil sa mga intel na bago niyang nakuha. Bahagya siyang napahinto sa mabilis na pag lalakad ng matanaw na si Adam. Sa labas ng Operating Room 3, naroon si Adam — nakaupo sa bench, basang-basa ng ulan at dugo ang damit na suot nito, tahimik lang na nakayuko. Ang leather jacket nito ay nakapatong sa bench habang sa sahig may dugo na natulo mula sa jacket na marahil galing kay Nurse Gladys. “Adam…” Agad na tumingala si Adam at napalingon bahagya itong ngumiti kahit halatang pagod ito,

