Nag simula na si Mikay na mag warm-up para sa set ng gig niya. Nagpalit ng ilaw sa loob ng disco bar—laser beams na sumasayaw sa ere, habang ang bass ng music ay halos bumayo sa dibdib ng bawat tao. Sa gitna ng stage, nakatayo si Mikay sa harap ng mga control panel niya. Habang nag hihintay ang mga tao sa loob ng disco bar na yun ng remix song na gagawin niya. Naka maong shorts na punit-punit ang gilid, cycling shorts sa ilalim na litaw na litaw ang hubog, at crop-top na jersey na bumabagay sa katawan niya. Pero hindi lang iyon ang nag palutang ng aura niya naka face paint din ang mukha niya ng abstract neon colors, kaya kahit sino pa man, hindi agad makikilala kung sino siya. At para sa crowd? Isa siyang misteryosang DJ goddess. “Let’s turn this night up, Metro City!!!” sigaw ni Mikay s

