Pagsapit niya sa lugar, halos walang ilaw. Ang signage ng lumang ospital, sira at kinakalawang. Ang paligid, puro putik at damo. Tumigil siya, pinatay ang makina, at dahan-dahang bumaba. Binunot niya ang baril, tumingin sa paligid. Tahimik wala ni isang tunog kundi ang ulan. Ito ang hospital na nasunog noon na maraming namatay. Kung nandito si Mikay tiyak na iyak ito hindi dahil sa sitwasyon nito dahil sa takot na makakita ito ng multo. Kayang sayawan ni Mikay ang mga suntok, sipa, umuulan na bala pero ang takot nito sa mga ghost hindi nito kaya. Pumasok siya sa loob hawak ang baril at flashlight binagtas niya ang madilim na corridor habang alerto ang tenga at mata sa paligid, amoy kalawang at lumang gamot ang buong paligid humahalo pa ang mga kakaibang amoy na hindi niya mawari dahil lum

