Pasilip-silip si Mikay sa pinto ng classroom nila Adam, naroon ang binata may earpods sa tenga habang nag lalaro ng cellphone nito na nakataas pa ang paa sa mesa. 4th year high school na ito at malayo na sa dating built ng katawan nito, mukha na itong college student dahil sa pagkakaalam niya regular na talaga itong nga g-gym at batak na batak na sa pag lalaro ng basketball. Naging tunay na itong captain ball ng varsity. Kaya naman mas lalo pang dumami ang admirer nito at hindi na lang siya ang nag bibigay ng love letter dito. Dumama na ang gumaya sa kanya na ayaw din sumuko.
May humamon pa sa kanya na may the best woman win daw at wala naman siyang paki-alam sa mga babaeng humahamon sa kanya. Sanay na siya sa mga babaeng trying hard na nag hahabol kay Adam at may ilan na din siyang nakitang pinapatos ni Adam. Syempre pikit mata na lang niyang tinatanggap dahil lalaki si Adam at meron itong pangangailangan physical. Importante na lang sa kanya wala itong girlfriend na matatawag.
Okay, Mikay. 59 na ‘to. Hindi pa siya sumasagot kahit minsan… pero baka this time. Please, Lord. Just this once. bulong ni Mikay. Huminga siya nang malalim saka pumasok sa classroom ng mga ito. Hindi na nagulat ang mga classmate ni Adam na tumingin lang sa kanya habang mga umabang na ng panibagong rejection. Tumayo siya harap ni Adam. Tinanggal nito ang earphones na tumingala sa kanya habang naka simangot, sa sobrang guwapo nito kahit sumimangot at mag suplado pa ito ma iin love ka pa rin talaga.
"Adam, for the 59th time, will you be my boyfriend." iniumang niya rito ang love letter kasama ng isang lolipop na paborito nito. Napatigil si Adam, nakatingin lang sa kanya. Sanay na si Mikay na pagtawanan, insultuhin, o hiyain. Pero ngayon, iba ang tingin ni Adam. Parang nag-iisip ito ng malalim, biglang tumayo ito, bahagyang yumuko para tapatan ang mukha niya. Hindi siya katangkaran pero hindi naman siya lalong bansot. Masyado lang talagang matangkad si Adam kaya nagmukha siyang maliit sa tabi nito.
"Fine. Yes." anito na kinuha ang love letter niya saka ibinulsa na hindi man lang binabasa saka binuksan ang lolipop na agad din isinubo. Namilog naman ang mata ni Mikay na nakatingin kay Adam. Kahit ang mga naroon na nakarinig ng sinabi ni Adam napaungol at nagulat din.
"H-ha? Ano? Yes?"
"Oo. Yes. You want me to be your boyfriend? Then I’m saying yes. Bakit ayaw mo ba?" Para sasabog sa tuwa si Mikay. Hindi siya makapaniwala. Mula 1st year high school hanggang ngayon, 3rd na siya. Ilang taon siyang naghabol… and finally, pumayag si Adam.
"Adam… talaga ba? Hindi mo ako niloloko?" parang na maiiyak pang wika ni Mikay na napaatras pa bigla ng ilapit pa ni Adam ng husto ang mukha nito sa kanya na ikinatili ng mga studyante na nakatingin sa kanila. Ngumisi naman si Adam na tumingin pa sa labi niya.
"You wanted this, right? Then you got it pero bakita parang natatakot ka? Ayaw mo ba ng kiss?" Sa sobrang tuwa basa na lang niyang niyakap si Adam nang mahigpit. Ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso niya. Finally. After all these years.
Natigilan naman si Adam habang nakayakap si Mikay, nagulat siya pero hindi niya napigilang ngumisi. Pero hindi ito ngiti ng tuwa.
This isn’t love, Razon, Miggy mess up bigtime at ipapakita ko sa kanya kung paano ang totoong paglalaro. bulong ni Adam sa isipan niya. Kahapon lang nag-away sila ni Miggy dahil nag send sa kanya si Miggy ng picture na nag kikiss ito at ang Ate niya at nasa isang condo ang mga ito. Sa pag kakatandan niya ang paalam ng ate niya meron itong school activities kaya ito pinayagan na makitulog sa bahay ng classmate ito. Hindi naman malaswa ang larawan pero alam na niya kung saan papunta ang ganun kiss dahil lalaki siya at alam niya ang mga ganun angulo. At ngayon… si Mikay mismo ang magbabayad ng kalokohan ng kuya nito. Sinubukan niyang layuan si Mikay para tigilan ni Miggy ang Ate niya pero hindi ito lumayo kaya tutal gusto ni Miggy ng gera puwes bibigyan niya ito ng gera.
"Let’s see how long you’ll last." bulong ni Adam na pinag taka pa ni Mikay pero hindi na lang niya pinansin dahil masyado siyang happy.
-
-
-
-
-
-
Panay ang text niya kay Adam, sinabi niya rito na mag kita sila sa cafeteria at ililibre niya ito ng lunch bilang boyfriend niya. At first date din nila bilang official couple. Pero sa dami ng chat niya rito isang beses lang itong nag thumbs up.
"So… official na kayo? As in, si Adam Brichmore, captainball ng prestiges varsity, boyfriend mo na?" ani Ivory, kinikilig naman na tumango si Mikay habang malawak ang ngiti.
"Oo! Sinagot na niya ako kahapon. Hindi ako makapaniwala. After all these years, finally…"
"Bakit parang hindi ako kinikilig or natutuwa sa goodnews na yan."
"Hay! Ano ka ba?"
"E kasi naman ang tagal-tagal na tapos all of a sudden bigla kang sinagot. Bakit? Hindi ka ba nag tataka?" tanong ni Ivory.
"Wala na akong paki-alam kung anong dahilan niya basta boyfriend ko na siya period." ngiti pa rin ni Mikay. Na mag ch-chat na sana ulit kay Adam ng biglang dumating si Adam sa cafeteria. Na napakaguwapo sa suot nitong uniform kaya naman ito talaga ang kinuhang model ng school para sa poster ng schoolkaya naman lahat ng mata ay nakatutok sa rito.
Nakita niya na nag palinga-linga ito na halatang may hinahanap kaya naman mabilis na siyang tumayo para salubungin ito pero bago pa siya makalapit, may isang cheerleader na agad yumakap kay Adam mula sa likod. Sabay halik sa labi ni Adam na ngumiti naman at hinalikan din sa labi ang babae. Pakiramdam ni Mikay tumigil ang ikot ang mundo niya at nag slow motion ang lahat. Sabi kapag ganun daw ang naramdaman mo sa isang lalaki yun na ang the one mo, pero bakit sa mga oras na yun parang gusto niyang maging mamat*y tao.
"Babe, you’re late! I Missed you! Kanina pa ako dito."
"Akala ko ba sinagot ka na bakit may paganyan?" bulong ni Ivory. Nag-freeze si Mikay, nakatayo sa gitna ng cafeteria, hawak ng mahigpit ang cellphone niya, parang binuhusan ng malamig na tubig.
Si Adam naman, hindi man lang kumibo. Walang pagtanggi. Hinayaan lang niyang yakapin siya ng cheerleader habang cool lang na umupo sa mesa kasama ang barkada niya. Kahit umuoo na itong sabay silang kumain ng lunch.
"Hindi… hindi totoo ‘to. Girlfriend niya ako. Ako ang sinagot niya kahapon. So bakit… bakit may iba?" napalunok si Mikay
Nanikip ang dibdib niya. Parang lahat ng tao sa cafeteria, nakatingin sa kanya. May mga nakatawa, may mga nagbubulungan.
Hinintay niyang titingnan siya ni Adam. Na magbibigay kahit konting paliwanag. Pero isang sulyap lang ang binigay nito — malamig, walang emosyon — bago ibinalik ang tingin sa mga kaibigan niya at nakipag tawanan habang akbay nito ang babaeng kahalikan nito.
"I never cared. You’re nothing to me." parang ganun ang dating ng tingin ni Adam sa kanya kanina. Kung ganun bakit pa siya sinagot nito kung meron pala itong ibang babae na gustong kasabay kumain. Bakit pa ito nag thumbs up sa kanya at nag yes kung ganito lang din pala ang gagawin nito.
"Mikay let's go! Hayaan mo na." ani Ivory na hinawakan siya sa braso saka hinila.
"Hindi… hindi bale. Siguro bedpartner lang siya. O… o baka kaibigan niya lang ‘yon with benefits." nakangiting wika ni Mikay sabay kibit balikat. Pero kahit anong palusot ang sabihin niya, ramdam niya ang panginginig ng kamay niya. At sa puso niya, unti-unting pumapasok ang kirot ng katotohanan.
"This isn’t a love story. I want.."