Episode 3- Mr. Arrogant, Mr. Heartbreaker

1424 Words
"Hindi ko maintindihan ang school na ito, ang laki ng gym natin may aircon pa pero bakit tayo ginagawang tinapa ng school at binibilad sa araw." natawa naman si Ivory at Avery. "Binibilad din ba sa araw ang tinapa?" tanong ni Avery. "Hindi yata, daing yata ang binibilad." sagot naman ni Ivory, lumingon naman si Mikay sa dalawang kaibigan. "O sorry naman! wag na nga lang tinapa, tuyo na lang. Ang init-init bakit dito nag lalaro ng basketball ang mga trainee." komento pa ni Mikay habang panay ang sunod ng tingin niya kay Adam. Mainit ang sikat ng araw sa quadrangle, pero hindi iyon alintana ng mga estudyanteng nanonood sa scrimmage ng basketball varsity. Nasa center si Adamson Brichmore, pawisan, seryoso, at walang effort pero ang ganda pa rin tingnan. Every time he dribbled, the crowd—especially the girls—screamed. Parang mga hinihila ang mga kipay sa pag tili ng malakas sa tuwing makaka shoot si Adam. Habang silang natatlo nakatayo lang sa gilid ng court, nakangiti si Mikay habang panay din ang sunod ng tingin kay Adam pero hindi naman siya tanga na mag titili, hinalikan nga siya ni Adam hindi siya tumili, baka kapag nalaman ng mga babae na nag kiss na sila ni Adam baka mag suicide na lang bigla ang mga ito. Huminga siya ng malalim habang yakap ang bottled water na binili pa niya sa canteen. Kanina pa siya pinipigilan ng mga kaibigan na sila Avery at Ivory. Ibibigay kasi niya iyon kay Adam kaya niya binili after ng laro nito. Pero siyang payagan ng mga kaibigan, mahiya daw naman siya kung wala na daw ba siyang pride. Ilang beses na daw siyang na reject at napahiya bakit tuloy pa din siya. Para kasi sa kaya kung hindi talaga siya gusto ni Adam hindi ito mag-aaksaya ng kahit isang segundo na lingunin siya. Pero kahit papaano pinapansin pa rin naman siya ni Adam so ibig sabihin meron siyang affect dito. "Mikay, huwag ka nang magpacharming sa kanya. Hindi ka naman niya hinihingan ng tubig," ani Avery na pinigilan siyang lumapit. "Eh ano ngayon? Baka sakaling ma-appreciate niya na this time." sagot ni Mikay, sabay ayos ng buhok niya. Natapos na ang laro, at dumiretso si Adam sa bench, pagod na pagod at basang-basa ng pawis pero gwapo pa rin. Naglakad agad si Mikay papalapit. "Hi, Adam!" she said brightly, sabay abot ng bottled water. "Para sa’yo." abot niya rito sabay pretty eyes na parang pusa. Hindi man lang ito ngumiti. Pero kinuha nito ang bote, tumingin saglit, tapos inilapag lang sa tabi ng bag nito. Hindi inininom, hindi rin nagpasalamat. "Uhm… you’re welcome?" biro ni Mikay, pilit na tumatawa. "Adam, great game!" bungad ng isang cheerleader na lumapit na may dalang towel, hindi niya ito kilala sa pagalan basta kilala lang niya ito sa mukha. Napatingin lang si Mikay sa babae lalo na ng punasan nito ng pawis si Adam. Tumaas ang kilay ni Mikay sa lakas ng confident ito para gawin yun, masyadong flirty ang galawan kaya parang na may relasyon ang dalawa. Ang nakakairita pa this time, ngumiti si Adam. At hindi lang basta ngiti, kundi yung tipong may dimple at konting charm. "Thanks," sabi ni Adam, sabay kuha ng towel sa babae at ginamit ang towel para punasan ang mukha. Nanlaki ang mata ni Mikay. "Wait lang—so sa kanya may smile, pero sa akin… nada?" ani Mikay na tumaas pa ang dalawang kamay both side. Nagtawanan ang ibang varsity players sa sinabi niya. "Sorry, Razon. Ikaw kasi, persistent masyado. Alam mo naman si future captain, picky," sabi ng isa. Napakagat-labi si Mikay, ramdam ang hiya pero pinilit niyang ngumiti pa rin. "Ganun ba? Okay lang. Hindi naman ako basta sumusuko, eh." Adam turned to her, his gaze cold, sharp. "That’s the problem." wika ni Adam habang nakatingin sa kanya. Natigilan si Mikay. "Anong ibig mong sabihin?" Adam stood up, hawak ang bola, at tumingin diretso sa kanya. "You don’t get it, do you? Hindi lahat ng tao gusto ng kausap. Hindi lahat ng tao gusto ng attention. At ako, I don’t. So stop following me around." ani Adam sabay sukbit ng varsity bag. Pak. nabasag ata eardrum ko." wika ni Mikay sa isipan niya. Parang may sumampal kay Mikay sa harap ng buong varsity at cheer squad. Ang mga mata ng lahat nakatingin sa kanya, may halong awa at amusement. Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya. Pero instead, ngumiti siya, kahit pilit. "Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng maging friends lang tayo? Ang hard mo!" Adam smirked, but it wasn’t nice. It was cruel. "Friends? Sorry, Razon. Hindi ako nagfi-friends ng taong hindi ko talaga gusto." anito saka naglakad na ito palayo, iniwan siyang nakatayo sa gilid ng court, pagtingin niya sa bench wala doon ang bote ng tubig na ibinigay niya kaya kahit papaano nabawasan ang kirot sa dibdib niya. Kaya sa labi niya, naroon pa rin ang matapang na ngiti. Na napatingin sa bolang gumulong sa paanan niya sabay ngiti na dinampot iyon. "Adamson." malakas na sigaw ni Mikay na ikinalingon naman nito kasama ang cheerleader na kasama. "Pag na shoot ko to, akin ka! Whether you like it or not!" tumawa naman si Adam sa kauna-unahang pagkakataon sabay iling. Pero tuluyan siyang huminto at humarap para abangan kung kaya nitong ishoot. Ngumiti naman si Mikay na humarap sa ring side malayo siya sa threepoint line pero dahil determinado siya malakas ang loob niya. "Kapag hindi mo yan na ishoot! Tigilan mo na ang kakabigay ng love letter proposal sa akin." "Deal." sagot naman ni Mikay saka nag dribol then inihagis ng bola. Pigil hininga naman ang lahat habang nasa ere ang bola. Nang mag shoot yun speechless ang lahat then biglang nag sigawan na akala mo championship ang naipanalo niya. Awang naman ang labi ni Adam na nakatingin kay Mikay na pinag kaguluhan ng mga team mate niyang tuwang-tuwa. Bigla umarangkada si Mikay ng tumbling na lalong ikinaawang ng lahat ng studyanteng naroon round-off, back handspring, back tuck, tapos sinundan pa ng aerial cartwheel. Mabilis, malinis, at parang lumilipad sa ere. Pag bagsak siya talaga naman nagkagulo na ang buong quadrangel. Malawak ang ngiti na tumingin si Mikay kay Adam. Ginawa naman ni Mikay na baril ang isa niyang kamay sabay itinutok kay Adam. "Bang." usal pa ni Mikay sabay hiban sa dulo ng daliri niya. "Tsamba!" wika naman ni Adam sabay talikod. Awang naman ang bibig ni Mikay. "Fine, Adamson Brichmore," bulong niya sa sarili. "Kung suplado ka, mas matigas ako. You’ll see." wika pa ni Mikay habang tuwang-tuwa pa rin ang lahat sa galing niya. Agad naman na siyang tumakbo pabalik sa mga kaibigan niya ng matanaw ang Kuya Miggy niya na papalapit sa quadrangle. - - - - - Adam POV while ago... Naramdaman niya ang bigat ng tingin ni Mikay habang nilalagay niya ang bote sa gilid ng bench. Ramdam din niya ang awkward na pagtawa nito nang hindi siya nagpasalamat. At nang marinig niyang tumawa ang teammates niya, alam niyang sobrang harsh na ang ginawa niya. Pero ano ang choice niya? "Kung ngumiti ako, baka umasa siya. Kung kinausap ko nang maayos, baka magpatuloy siya. Mas mabuti na yung masaktan siya ngayon kaysa palalimin pa." Pinisil niya ang towel sa kamay, ramdam ang tensyon sa dibdib niya. The truth was—matagal na rin niyang napapansin si Mikay. Yung energy niya. Yung tapang niya na lumapit kahit paulit-ulit siyang tinataboy. Yung mata niya na palaging kumikislap tuwing nandyan siya. Pero masyado siyang galit. Hindi kay Mikay—pero sa kuya nito, kilala niya si Juan Miguel sa school na yun bilang leader ng prestige's order at hindi niya gustong galitin ito, hindi siya duwag pero alam niyang malaki ang gusto ng Ate Kenneth niya sa Kuya ni Mikay. Malaki na ang atraso niya sa kapatid niya lagi itong nadadamay sa kanya kahit ayaw naman niya, kaso masyadong maliligalig ang faction sa school na yun ang daming arte ng mga mamayaman tao. Kaya hanggat maari mas mabuti ng iwasan niya si Mikay kesa balikan ng kuya nito ang Ate niya. Napapansin na niya na ang Ate na niya ang gumagawa ng move habang si Juan Miguel nararamdaman na niyang napapansin na ang kilos ng kapatid kaya na iinis siya. Kaya auto blacklist sa kanya si Mikay. At kung aamin siya sa sarili… natatakot siya. Kasi the more he pushed her away, the more he realized—na kahit gaano siya ka-cold, si Mikaela Razon lang ang hindi sumusuko. And that scared him more than anything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD