Matapos ang maingay na meeting tungkol sa nalalapit na Christmas party ng Silver City, na talaga naman tuwang-tuwa nanaman ang lahat dahil tiyak na babaha nanaman ng cash prize, raffle ng kotse, superbike and house and lot at mga ampao para sa lahat. Kaya naman daig pa kanina ang palengke ang loob ng podium habang nag me-meeting dahil sa ingay ng mga agent, staff, crew, facilities, maintenance at lahat ng parte ng Silver City na naroon sa meeting. Lahat pawang excited na kaya naman kanya-kanyang suggestion ang lahat para mapaganda at mapasaya ang party nila. Na syempre may talent showdown nanaman at kung ano-anong pakulo. After ng halos mahigit isang oras natapos na ang meeting at nagsimula nang magsialisan ang mga agent at lahat ng naroon sa podium. Tumayo rin si Mikay para sumabay na d

