Ashley Talipandas talaga, oo. Mukhang bubuntot ng husto ang babaeng ito kahit saan man magpunta si Carl. “I didn’t know that you’re here.” ang eksaheradang sabi pa niya na akala mo ay totoo. Kwento niya sa pagong baka sakaling maniwala ito sa kanya. Pero kitang kita ko sa itsura ng mga nasa lounge na hindi din sila naniniwala dito. “What are you doing here?” ang tanong naman ni Carl, “I was just having my vacation. I heard about this country club so I checked it out. How about you?” “I have a business meeting.” sagot naman ni Carl. “Let’s go,” ang sabi niya sa akin tapos ay tumayo na ako at iniabot kay Sophia si Krypto. “I'll go ahead,” paalam ko sa kanila. Tapos ay nakita ko na isa isa na din silang nag-alisan. Sumunod ako kay Carl hanggang sa makapasok siya sa usual na room na pi

