Ashley
“What’s wrong with you two?” ang tanong ni Matthew ng nagsisimula na ang kanilang meeting. Sa opisina dapat ni Carl sila magkikita ngunit tumawag ito at sinabing baka pwedeng kami na lang ang pumunta sa kanya. Just like what I told my arrogant boss, he was the one who asked for this meeting dahil sa database na gusto niyang ipa-upgrade kaya naman pumayag ito.
“Nothing,” ang sagot ng aking amo na parang wala lang pero hindi maipinta ang mukha. Ngumiti na lang ako kay Matthew ng tumingin ito sa akin at sinabayan ko na lang ng pagkikibit balikat. Siguro naman ay kilala na niya ang kaibigan niya bilang mainitin ang ulo kaya hindi ko na kailangang magpaliwanag pa.
“OK, then tell me what you want to upgrade?” ang sabi naman ni Matthew. Napaka business like ng pagkakasabi niya at talagang makikita sa bawat kilos at galaw niya ang pagiging disente. Hindi kagaya nitong katabi ko na daig pa ang taong pasan ang daigdig sa pagkakasimangot.
Carl wants his database to be more accessible by every respective personnel without any difficulties. Nitong mga nakaraang araw ay may mga bagong transactions na kailangang maidagdag para hindi maantala ang ibang gawain. He likes files to be easily accessible especially to those who are in the field so they don’t need to make any more requests. Syempre ito ay para lamang sa mga files na pwedeng maipublicized.
And construction at hardware supply company ay need ng mas mataas na storage at mas madaling inventory system. Lumalawak na ang ang narating ng kumpanya kaya naman mas tumataas ang demands not just in Cali but to the whole America and other neighboring countries.
Hindi nagtagal at nagkasundo na sila at, umabot din ng may dalawang oras dahil kailangan pang i-explain ni Matthew ang ilang mga bagay na gagawin niya for Carl’s better understanding. Napangiti ako dahil naisip kong napaka-swerte ng babaeng napupusuan ng una. Kitang kita ko kung anong klase siyang lalaki, pero pakiramdam ko din ay parang may hinihintay din siya.
“Ashley, do you have anything to do after work?” Ang tanong niya sa akin ng patayo na ako para umalis. Kita ko sa peripheral vision ko ang pagkakasimangot ng amo kong sala sa init sala din sa lamig.
“No, why?” ang tanong ko namang nakangiti at talagang pinakita ko na din ang excitement ko.
“We can go somewhere and unwind, you know.” sabi naman niya. May pasok ako kinabukasan pero early person naman ako. Yung tipong kahit anong oras ako matulog ay maaga pa rin akong nagigising.
“OK, where are we going to meet?” ang tanong ko pa.
“Why are you inviting her and not me?” hindi na siguro napigilang makisingit sa usapan.
“Because I know how busy you are after work.” sagot naman ni Matthew bago tumingin sa akin. “Ano, are you willing to join me?” ang tanong niya sa akin.
“I already said, OK.”
“I’m going to join you too.” sagot naman ni Carl.
“No woman tonight?” tanong pa ni Matthew na tila naaaliw sa pagkakatingin sa kanya.
“It doesn’t matter. I just want to make sure na hindi malalasing ng husto ang assistant ko na maaaring maging dahilan para ma-late bukas, or worse, hindi makapasok dahil sa hangover.”
“Hindi naman ako magpapakalango, and Matthew was inviting me to unwind and not to get drank.” sagot ko naman.
“You’re trusting him too much. Hindi mo pa nga siya lubos na kilala eh sumasama ka na sa kanya.” sabi naman niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.
“Excuse me, he looks and feels more decent than you are!”: I exclaimed. Ayaw kong pag-isipan niya ng hindi maganda ang binata dahil lang sa sinusumpong siya.
“Decent! How can you say that? You just met him yesterday!”
“Because the word decent was written all over his face.” sagot ko naman.
“And what about me?” ang tanong niya ulit.
“No offense meant but “Fu***r” was written on your forehead.” sagot ko na mas ikinalaki ng mata niya tapos humagalpak naman ng tawa si Matthew.
“You do know that I am your boss, right?” ang tanong niya ulit,
“If you are trying to scare me about firing me, by all means. You asked me and I answered. What's wrong with being truthful to myself?”
“Maybe it was your attitude that caused you to get fired in your previous jobs.”
“Yes, because you have something in common with my previous bosses as well. You want to know what that is?” ang naghahamon ko namang sabi.
Hindi siya umimik at huminga na lang ng malalim bago tumingin kay Matthew na mukhang tuwang tuwa. “You’re done for today, right?” ang tanong niya dito at tumango naman ito.
“Let’s go and start to unwind. Having an arrogant assistant is draining my energy.” sabi nito at nauna ng lumakad palabas ng office ni Matthew. “What, do you want my friend to carry you?” sabi niya sa akin na niyaya na pala ako. Simpleng let’s go lang ay hindi pa masabi. Dahil doon ay pinili kong mas inisin pa siya.
“Pwede ba?” ang tanong ko sa tanong niya. Pero dahil parang uusok na ang ilong niya sa galit ay nag-peace sign na ako sa kanya at ngumiti ng ubod tamis.
“Alright, let’s go.” sabi ni Matthew kaya naman nagsimula na din akong lumakad at sumunod sa kanila. Hapon na kaya siguro hindi na ginusto pa ni Carl na bumalik sa opisina niya.
We ended up in a bar kung saan pawang mayayaman lang ang may kakayahang makapasok para mag-enjoy. Ayaw ni Matthew na madami ang nakakakita sa amin kaya naman we rented a private room kung saan hinatiran kami ng pagkain. Apparently, he forgot to have his lunch kaya naman tama lang na magkalaman muna ang aming tiyan bago mapasabak sa inuman.
Halos dalawang oras mula pag-order hanggang matapos ang aming pagkain and they cleaned up our table bago nila sinerve ang aming mga drinks. Sa simula ay nakikinig lang ako sa kanilang usapan until Carl asked Matthew about his ex. Medyo nakainom na siya at kita ko ang lungkot na nagdaan sa kanyang mukha. Tama nga ako, mahal pa niya. At nagsimula na siyang magkwento.
So ayun, he was inlove to a woman 5 years older than him. They are on the same field at magaling din ang babae doon. Nagsama sila simula ng may nangyari sa kanila at during those times ay tinutulungan siya nung girl sa pag-aaral niya. Pa-graduate na siya non at ng makatapos ay tinulungan pa rin siya nito sa pagsisimula ng kanyang career. Unti-unti na siyang nakikilala sa industry nila ng magkahiwalay sila sa dahilang hindi na niya sinabi. Basta nag-away daw sila pero hindi dahil sa ibang babae o ibang lalaki.
“Her family or yours?” ang tanong ko na ikinatingin nilang dalawa sa akin. “If there’s no third party, eh di sa pamilya niyo ang naging problema. The way I see it, mahal mo siya at ganun din naman siya sayo.” hindi siya nakapagsalita dahil natumbok ko na. At malamang dahil sa pamilya niya. He was sad so I didn’t ask more.
We continue drinking but not enough to get drunk, medyo lang. Yung tipong kaya pang maglakad sa sariling mga paa. “Ashley, have you fallen in love?” ang tanong ni Matthew.
“No,” sagot ko naman.
“Will you fall in love with me?” he asked again.
“By just looking at you, yes. But after knowing you, I think not.”
“Why?”
“You love her. And I don’t think I will be able to replace her in your heart.”
“So you won't even try?”
“Yeah, I will only get hurt in the end.” I replied and then he looked at Carl. Bakit?
“How about this, career or relationship? You are a genius according to Mav, I’m sure there will be a lot of opportunities that will open a door for you.” sabi pa ni Matthew habang ang boss ko ay nakikinig lang.
“Why do I feel like I am being interrogated?” ang tanong ko.
“Can’t you just answer?” ang balik tanong niya.
“I don’t know, I’ll just cross the bridge when I get there.”
“Why?” ang pangungulit pa nito.
“How would I know the answer to that? I already told you, I have never fallen in love before. So my answer now is I am going to choose my career since I had no idea about love.” ang sagot ko. “But my mom left her professional work for my dad, still he left her.” ang sabi ko pa na parang sinasabi ko na career ang pipiliin ko dahil nagkamali ang mother ko ng decision.
“How about sa alam mong playboy, will you choose him?”
“No way!” I exclaimed. “Wala ng dapat pang pag-isipan iyon at hanggat kaya kong iwasan ay iiwasan kong mahulog ang loob ko sa isang playboy. Ayaw ko ng sakit ng ulo!”
Biglang tumayo si Carl at sabi ng pabalang,
“Let’s go home.” hala, anong problema non?