Ashley Gulay naman talaga, oo. Sinabihan ko pa siya na hindi makaka-iskor yun naman pala ay bibigay din naman ako. Iba talaga ang tama ko sa Carl na ito eh. Pero siguraduhin lang niya na lahat ng sinabi niya sa akin ay totoo dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na iwanan siya kapag malaman kong may nangyari nga sa kanilang dalawa ng babaeng higad na yon, na gusto pa yata ay mag ala-dikya sa pagdikit sa lalaking ito na akala mo sawa kung makalingkis sa akin. Hay naku, gusto ko naman syempre. Ang pakiramdam ko pa nga ay love na niya ako. Ano nga kaya? Is he capable of feeling that? “Ash,” narinig kong sabi niya kaya naman napatingin na ako sa kanya. “What are you thinking?” tanong niya. “Kung kailan mo balak tumayo diyan dahil nabibigatan na ako sayo.” ang sagot ko na ikinakunot ng

