Ashley No matter how much I tried to push him, hindi niya talaga masabi ang gusto kong marinig. Lahat na lang ginagawa ko na kahit na magalit pa siya para lang malaman ko kung ano ba talaga ang gusto niya sa akin. Sa paraan ng pagkakasabi niya that we are just fu****g buddies, parang ayaw niya naman din na ganun nga lang kami. Pero bakit hindi niya masabi kung ano man ang gusto niyang mangyari? Syempre sa isip ko, ang exclusivity namin ay pangkama lang. Paano namang mas hihigit pa doon wh wala nga siyang sinasabi. Alangan namang ako ang magsabi sa kanya, eh haleerrr… playboy nga siya. So parang magmumukha lang akong tanga kapag sinabi ko na kami na. Na jowakels ko na siya at ganun din naman ako sa kanya. Paano kung bigla niyang ipamukha sa akin at sabihin, ‘Alam mong playboy ako kaya da

