Ashley Akala ng lokong ito “Oo” agad ang isasagot ko sa kanya, manigas siya. Sa totoo lang ay natatakot na rin ako na baka nga magaya na ako sa nanay ko at ayaw kong mangyari iyon. Mahal ko si Carl at talagang gusto kong mapakasal sa kanya, pero siguro ngayon, kailangan ko munang mag pakipot para malaman niya na hindi na niya ako basta basta makukuha. Oo nga at handa ko siyang bigyan ng second chance, pero sisiguraduhin ko na talagang pahahalagahan na niya ang aming relasyon. Hindi kagaya ng na-frustrate lang titira na ng iba. Naniniwala ako sa sinabi niyang hindi siya natapos, pero syempre, buntis pa rin si Rory at pag nanganak siya ay magka kaalaman na kami. Ang iniisip ko lang, paano nga kung anak nila iyon? Maaatim ko ba na mawalan ng ama ang isang walang kamalay malay na sanggol? Ng

