Chapter 32

1801 Words
Nagpaalam si Marcus na magiging busy siya ngayong sabado. Tatapusin niya na ang lahat ng kailangan niyang gawin upang hindi na kami maistorbo bukas gaya ng nangyari sa date ni kuya. Niyaya ko na lang si Audrey na magshopping upang malibang ako. Hindi na kasi ako makapaghintay na maging linggo na na upang makapag-date na kami ng boyfriend ko. Nandito na ako mansyon at inaayos ko na ang isusuot ko bukas. Napahinto ako sa pag aayos ng mag-ring ang cellphone ko. Excited ko itong kinuha. Dumapa ako sa kama at sinagot ang video call. “Hi,” I bit my lower lip. “Hey…” Nakita ko na nakahiga na siya sa kanyang kama at nakahubad. Kitang kita ko ang batak niyang katawan. I still can’t believe that he got his toned body at work. Mabigat ba ang trabaho doon para gumanda ang katawan niya ng ganito? I licked my lower lip when I also saw that he’s looking at my almost bare chest. Naka-pantulog na kasi ako. I’m wearing a purple sleeveless nightie na terno. I’m not wearing a bra kaya malaya ang mga pisngi ng dibdib ko na magpakita, lalo na’t nakadapa ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero mas inayos ko ang pagkakadapa ko para mas kita niya ang dibdib ko. I blushed when I saw fire in his eyes. He inhaled sharply. “N-nag-dinner ka na?” tanong niya. “Yes.” He cleared his throat before focusing on my face. “Nagdinner ka na din ba?” malambing ko namang tanong. Tumango siya. “Are you excited for tomorrow?” “Sobra…” I smiled at him. Napansin ko na nagrelax ang katawan niya at umayos ang pagkakahiga niya. “Me too, baby.” Nag usap pa kami ng isang oras before we said our goodnight to each other. Marcus: Good morning, mahal. See you later! I love you. Napangiti ako at nagreply din sa kanya. Ako: Good morning too, mahal. I can’t wait to be with you. We decided to meet on our school grounds. Doon ko na lang ipapark ang sasakyan ko dahil gagamitin namin ang kanyang motor. Hindi pa namin napag uusapan kung ipapaalam na namin sa parents ko na kami na. I think he understands my situation kaya hindi niya ako pinipilit na maging legal kaming dalawa. Ang sa akin lang ay ayoko munang makarinig ng opinyon galing sa kanila. Baka ano pang masabi nila at makakasira lamang sa kasiyan na nararamdaman ko. The last thing I wanted was to stop my father from cutting my happiness. Baka akala niya ay hahadlang si Marcus sa pag aaral ko at paglalayuin kaming dalawa. Iisipin ko pa lang na magkakahiwalay kami ni Marcus ay sumasakit na ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. He’s my happiness in my world that is full of expectations. He’s the only one that sees my worth. He can see my imperfections but I’m still perfect in his eyes. Hindi ko kakayanin kapag naghiwalay kami. Kaya hangga’t kaya ko ay gusto kong isekreto sa magulang ko ang relasyon namin. I love them. I really love my parents, that's why I’m trying my very best to study. I can make them happy by doing that but… they don’t what makes me really happy. Nandito na kami sa parking ng mga motorbikes at nagre-ready upang makaalis na. Binuksan niya ang kanyang dalang backpack. Binigay niya sa akin ang black leather jacket na saktong sakto sa akin at isang white na helmet. “Is that new?” tanong ko sa kanya. Tumango siya habang sinusuot sa akin ang jacket. Napangiti ako ng mapansin ko na pareho kami ng kulay ng jacket. “Pinaghandaan ko talaga ang date natin…” My mouth parted. Biglang nagtubig ang mga mata ko. Tumaba ang puso ko sa sinabi niya. Ngumiti lamang siya sa akin at hinalikan ang tuktok ng aking ulo. Nang matapos kami sa paghahanda ay sumakay na kami sa kanyang motor. “Ready?” the engine roared in his motorcycle. “Go!” Humalakhak siya. Ang kamay kong nakayakap sa kanyang bewang ay pinahigpitan niya. Mabagal ang kanyang pag-andar pero paminsan minsa’y ay bumibilis kapag wala masyadong sasakyan. Napansin ko na hindi siya nakikipag-siksikan sa iba kagaya ng ibang mga motorista. I don’t know if he’s always this calm in driving. O, ngayon lang dahil angkas niya ako. Nakaramdam tuloy ako ng pag aalala sa kanya kapag naiisip ko na nakikipag-karerahan siya sa bilis. Isang oras ang naging biyahe namin. Dumating kami sa isang Rain Forest Park. Sa labas pa lang ay mahaba na ang pila papasok. “Linggo ngayon kaya marami ang tao. Are you thirsty?” aniya. “Uhm…” Hinawakan niya ang kamay ko. Dumaan muna kami sa isang convenience store upang bumili ng maiinom bago kami pumila upang makabili ng ticket. Pagpasok namin ay marami ang mga batang nagtatakbuhan. There’s a lot of students too. Iba ibang mga grupo. May sumasayaw, may kumakain at may mga tao lang din na namamasyal katulad namin. Nandito kami ngayon sa maliit na bridge. Sa ilalim nito ay isang fish pond. Nasa likuran ko si Marcus. His hands are possessively hugging me from the back. Nagpapahinga kami dahil napagod kami sa pag-ikot sa lugar. It is really different from the usual places that I’ve been to but nothing would beat the place if you are with your loved one. Napalingon ako ng may dumaang pamilya sa kabilang gilid ng bridge. Napatingin din sa Marcus sa kanila. Tumawa ako ng mahina. Gustong kuhanan ng picture ng lalaki ang kanyang asawa pero humaharap ang maliit na bata sa camera. I think she’s around 2-3 years old. She's so cute wearing a purple floral dress and pigtail ponytails. The mother made a face. Hindi siya nakapag-reklamo dahil natural na makulit ang mga bata. Binuhat ng lalaki ang bata at inikot ikot ito. Bumaha ng halakhak nila sa paligid. The mother took out her phone and took a picture of them. Their family looks so cute, simple and happy. I want that too… in that future with the man who’s hugging me now. “She's cute…” “Yeah…” he agreed. “More cuter than you.” Ngumuso ako at pinilit na humarap sa kanya. “Excuse me. I’m not cute! I’m pretty!” He only laughed before hugging me tighter. “I know, baby.” “Excuse me…” Napahinto kami sa paglalambingan ng lumapit sa amin ang nanay ng cute na bata. “Hindi ko sinasadyang makuhanan kayo ng litrato. It’s so romantic that I couldn’t help but to disturb you two…” Nagkatinginan kami ni Marcus. Nagkibit balikat lamang siya. Ngumiti ako sa babae. “Pwede ko bang makita?” “Eto oh…” inabot niya sa akin ang kanyang cell phone. I gasped when I looked at the photo. It was really… romantic and… magical. Marcus was hugging me from the back. We were looking at each other smiling and… very happy. Sa background namin ay ang mga puno at ulap. Ang ganda ng pagkakakuha niya. “Wow, ang ganda!” “Talaga? Pwede ko itong i-send sayo kung gusto mo…” I nodded enthusiastically. She shared my photos with me. Pagkatapos ay nagpaalam siyang aalis na dahil naiinip na ang kanyang anak. “Bagay kayong dalawa…” she smiled at me before running towards her little family. Nahuli ko si Marcus na hawak niya ang cellphone ko at si-ne-send niya sa kanyang cellphone ang picture naming dalawa. Ginawa niya kaagad itong wallpaper ng kanyang cellphone. “Naunahan mo ako…” He arrogantly lifted his eyebrow to me. Pagkatapos niya ay ibinulsa niya ng muli ang cellphone sa kanyang pantalon. “Are you hungry?” Inirapan ko siya bago ako tumango. Ginawa ko din na wallpaper ang picture namin. “Gaya gaya…” bulong niya sa akin at halatang nang aasar. “Shut up!” I hissed at him. Sumakay ulit kami sa motor niya at pumunta sa isang malapit na mall. We chose to eat in a pizza parlor. Ito na ang pinili ko. It's not that pricey but it’s not too cheap either. I don't want him to take me to an expensive restaurant. Nag suggest ako sa kanya na kumain kami sa Mcdo pero ayaw niya dahil siksikan daw doon at hindi ako makakain ng maayos. I'm fine eating anywhere as long as I'm with him. Nauna akong umupo at kaagad naman siyang tumabi sa akin. Pumulupot ang kamay niya sa likuran ko habang hawak niya ang menu sa kabilang kamay. “What do you want to eat?” “I want the seafood pasta…” Tumango siya at siya na ang pumili ng flavor ng pizza. Umalis na ang food server. Mas lalong dumikit sa akin si Marcus. Humalik siya sa aking buhok pababa sa aking tenga at marahang kinagat kagat ito. Nakiliti ako sa init ng bibig niya. Natatawa ako at mahina siyang kinurot sa kanyang braso. “You like kissing and biting ears that much, huh?” “No… I love to kiss every part of your body, Ellory. But I can’t help but play with your ears. It’s small and cute,” he seductively whispered to me. Nag init ang pisngi ko. Muli kong pinalo ang braso niyang nakapulupot sa akin. “Damn you…” “After this, let's go to the grocery store. Let’s buy you some toiletries. I really want you to smell like me but I know you’re more comfortable if you’re using your own.” Nagkatinginan kami. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Hinaplos niya ang buhok ko at marahang bumulong sa akin. “I want you to stay in my place when you have free time.” Nanlaki ang mata. Talaga!? Gustong gusto ko ‘yon dahil mas makakasama ko siya ng matagal. And we can make love… comfortably… in his bed. Kinakabahan akong tumango. I felt tingles on my chest, especially on my private part. I’m getting excited but at the same time I’m nervous. f**k! “O-okay…” “I want to make love to you every now and then. Naadik na ako sayo. Minsan napapanaginipan ko na nakahubad ka sa kama ko at naghihintay ng pagdating ko.” I blushed. Tumingin ako sa paligid ko. Hoping that nobody heard what he just said. “You p*****t!” Tumawa siya pero kaagad din na sumeryoso. “It’s true. And I can be perverted because you are my girlfriend. I’m allowed to think lewd things to you.” Napanganga ako. Nagkakatitigan kami. Hinihintay ko siya na tumawa pero hindi. Nanatili siyang seryoso. Mas lalo tuloy akong kinabahan… at naexcite. “This is your fault, Ellory. You make me horny all the time.” I closed my eyes when he kissed the sensitive part of my neck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD