Habang nakasakay kami sa van ni Jessica ay binibigyan niya kami ng tip kung paano makuha sa camera. Nakinig naman akong mabuti upang hindi masayang ang pagsama ko sa kanila. Nang makarating kami sa building ng agency nila ay bigla kong naalala si Marcus. “Shocks, I forgot to call him,” bulong ko sa aking sarili. Habang pasakay kami sa elevator ay busy sa pag catch up ang magpinsan kaya hindi nila napansin na nagkukumahog akong kunin ang cellphone ko sa aking bag. Nang makita ko ang ilan niyang missed calls ay napangiwi ako. Hindi ko namalayan na naka silent pala ang cellphone ko. Nakarating na kami sa tamang floor ay kaagad kong dinial ang number niya. “Excuse me,” ani ko sa dalawa. “May tatawagan lang ako sandali.” Tumango silang dalawa. Pumunta ako sa may bandang gilid kung

