Chapter 9

1323 Words
After the lecture, he insisted on walking me to the parking lot. Nakasuksok ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang slacks habang nakasabit sa kanyang kaliwang balikat ang kanyang backpack. Kung tutuusin ay mukha siyang mature dahil sa tangkad niya at hindi siya mapagkakamalan na college student kung hindi siya naka uniform. His sleeves are hugging his biceps tightly and I can't help but to feel jealous with his uniform. Damn, Ellory. Pati ba naman sa damit nagseselos ka? s**t! Malala ka na talaga. Napahinto kami ng may bumati sa kanyang grupo ng mga lalaki, pito sila. Namataan ko din si kuya at nakahalukipkip sa harapan ko. Parang natatawa ang mukha niya habang nakatingin kay Marcus. Si Marcus naman ay napatawa din at tumango sa kanya. "Pare, may meeting tayo ngayon para sa practice game bukas. Sunod ka sa storage room." "Sige, John. Ihahatid ko lang." Tinapik siya sa balikat ni John. Tumango ito sa akin at maliit akong ngumiti tanda ng pagbati. Dumaan si kuya at sinamaan lang ako ng tingin. Binelatan ko lang siya at mas lalo naman siyang sumimangot. "Tara na..." aya niya sa akin. Nakasakay na ako sa loob ng aking sasakyan pero naka bukas pa ang pinto at nakadungaw si Marcus sa loob. Nilibot niya ang kanyang paningin sa sa aking sasakyan, mabuti na lang at nailigpit ko na ang mga make up ko kanina. "Ano?" napanguso ako dahil wala pa siyang balak na umalis. "May meeting ka pa, hindi ba?" Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Napasinghap ako at hindi ko na kaya. Nanghihina na ako dahil parang sasabog na ang puso ko. "Mag ingat ka sa pagdrive. Text me when you're home…" Tumango ako. "Text me when you're home too..." Napangisi siya at umiling. "I'll call..." Napakagat ako ng labi at tumango. Lumapit ang mukha niga sa akin at lalong nagwala ang puso ko. Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay marahan siyang ngumiti sa akin. "Drive safely..." I nodded. "Bye…" Sinarado niya na ang pinto at nagdrive ako habang nakatitig siya sa sasakyan ko. Nanginginig ang sistema ko. Kaya dahan dahan lang akong nagdrive. Damn, Marcus. He called that night and we talked shortly. Kinabukasan ay nagtext siya sa akin na hindi niya ako masusundo sa parking dahil may meeting daw sila para sa practice game nila mamaya. Niyaya ko si Aubrey na manood at agad din siyang um-oo dahil papanoorin din niya ang kanyang crush na maglaro. Nakarating na kami sa gymnasium at halos mapuno na ang lahat ng mga estudyante. Hindi ko alam kung sa school ba namin ang ichi-cheer nila dahil hindi maipagkakailang maraming gwapong player ang taga kabilang school, isa na doon ang crush ni Aubrey. Nandito kami sa tapat bleachers kung saan ang nakaupo ang players ng school namin. Nakita ko si Marcus at si John na pinapakalma si kuya. Anong nangyayari? Nakaramdam ako ng pag aalala dahil mukhang galit si kuya sa isang player. Pero maya maya lang ay umalis siya, sumunod sa kanya ang isang babaeng maganda, maputi at mukhang inosente, hula ko ay siya si Seleena. Napahalukipkip ako, lakas talaga ng topak ni kuya. Mukhang nagselos yata sa isang player ng kabilang school. Well, hindi naman sigurong nakapagtataka na maraming nakaaligid kay Seleena na mga boys. Malayo man ay kita na ang ganda niya. Hinanap ng mata ko si Marcus at nakita kong kausap niya pa rin si John at dalawang kasama nila kahapon. Biglang bumaling ang mata niya sa akin kaya napahigit ako ng hininga at napaayos ng upo. Kumaway ako ng maliit sa kanya. Kumalabog ang puso ng papalapit na siya sa akin dala ang bag niya. Nag jog siya papunta sa akin, tumayo ako sa upuan upang salubungin siya. Damn… he looks so damn good in that jersey. Inabot niya sa akin ang kanyang bag. "Pwede bang pakibantayan?" "Oh… sige…" kinuha ko ang bag niya at inupo sa aking upuan. Muli akong humarap sa kanya at umatake sa akin ang mainit niyang titig. "Saan ka maglaluch mamaya?" "Uhm… sa condo ni Aubrey. Gusto ko kasing makita ng kabilang space sa condo niya… balak kong lumipat." Napakunot ang kanyang noo. "Bakit? May problema ba sa bahay niyo?" Umiling ako. "Wala naman… I just want to have my own space." "Kaya mo bang mag-isa?" Nagkibit balikat ako. "I wouldn't know if I wouldn't try, right?" Lalo siyang napakunot. Nagkamot siya ng kilay kaya nagflex ang kanyang braso na kitang kita sa kanyang suot na jersey. "Okay… sasabay na lang ako kina Ali maglunch." Tumango ako at ngumiti. Nakatitig lang siya sa akin na para bang ako lang ang tao dito sa gymnasium. Napanguso ako at napatingin sa iba dahil ramdam ko ang kuryusong titig nila sa amin. Napakagat ako ng labi. Napanguso naman siya pero hindi niya mapigilang lumabas ang kanyang mapaglarong ngisi. Napatawa na din ako ng mahina. "Pumunta ka na sa mga kasama mo. Dito lang ako… panonoorin kita." malambing at mahina kong sabi. Malakas siyang napasinghap. Nakita kong namula ang kanyang tenga. Napanguso ako ng nag iwas siya ng tingin sa akin. "Okay… diyan ka lang. Kukunin ko ang bag ko sayo mamaya pagkatapos ng laro." "Okay… goodluck!" I was shocked when he leaned on me and whispered to my ear. "It's way better when I get a goodluck kiss from you. But, I can wait for that to happen, Elloy. I love you…" Kinindatan niya ako at agad siyang umalis. Iniwan niya akong tulala at namumula sa huling sinabi niya. Damn him! I'm hyperventilating inside but I need to calm down. Nakakahiyang sumigaw dito, ang daming tao. Para akong tuod habang papaupo sa aking upuan pero si Aubrey naman ay maligalig na parang binudburan ng asin. "Gosh, Ellory! Bagay na bagay kayo! s**t!" Napakagat ako ng labi at napayuko. "Look… my hands are sweating…" Tumawa siya ng malakas at agad ko naman siyang sinensyasan na huminahon siya dahil hanggang ngayon ay may mga matang nakatingin pa rin sa akin. "Bakit hindi mo na siya sagutin?" "Pero, kakaligaw pa lang niya kahapon?" "So what!? Tsaka na kayo mag ligawan kapag kayo na! Let's see if he's good at making out. You love making out, right?" I giggled. "Yeah, I want to kiss him so badly…" "See! Huwag mo na ipagkait sa sarili ko yan! Nakakapagod mag aral kaya kailangan natin ng 'stress reliever'!" "Pero… ayaw niyang magmadali ako sa pagsagot sa kanya." "You are Ellory, duh! You can make every man kneel for you. Text him and tease him a little. Let's see kung hindi magmakaawa na sagutin ka niyan." Napaisip ako at napatingin kay Marcus na nag stretching pero nasa akin ang mata niya. Kahit na may kumakausap sa kanya ay sa akin pa rin siya nakatutuok na para bang binabantayan niya ang bawat galaw ko. Malapit ng mag umpisa ang laro. Napansin kong nakabalik na si Seleena na namumula ang mukha at medyo iika-ika ang paglalakad. Si kuya naman ay gumanda na at umaliwas ang kanyang aura. Hmm, something's fishy. Don't tell me… ipinilig ko ang aking ulo. s**t, kadiri! I don't want to imagine my brother's making out with Seleena. Bahala na siya sa buhay niya. Umiling na lang ako kay kuya. Muntik pa siyang matalo dahil sa pagkapikon niya. Mabuti na lang at nandyan si Marcus upang makabawi sila ng points. Nang matapos ang laro at tumakbo siya palapit sa akin. "Congrats," nakangiti kong bati sa kanya habang inaabot ang kanyang bag. "Thank you," hingal niyang sagot. Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang kanyang noo, pababa sa kanyang panga at sa leeg. Nanigas ang katawan niya habang nakatingin sa akin, halatang nagulat. Napanguso na lang ako at kunwari ay hindi big deal ang ginagawa ko. Nang masatisfied ako ay napansing kakaunti na lang ang tao sa gymnasium dahil may kanya kanya pang klase ang iba. "Mauuna na ako…" Tumango siya at nananatili pa rin nakatitig sa akin. "Okay… text me when you're at Aubrey's condo. "Okay..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD