Jerome’s POV Madaling araw ng tumunog ang alarm sa phone ko. Parehas kameng nagising ni Ren sa tunog neto. “Hi misis! Good morning!” Bati ko dito sabay halik na rin. “Good morning po, mister!” Balik netong pagbati. “Matulog ka pa. At aantukin ka niyan mamaya sa shift mo. Yung itutulog mo dapat ng gabi, i-advance mo na.” Sabe ko rito habang bumabangon na. “Hahaha. Tindi ng logic mo. Di ganun yun! Talagang mag-aadjust ang katawan ko neto.” Sagot neto sa akin. “Tangeks! Ganun nga yun. Hahaha. Ligo na ko.” Dagdag ko pa. “Sige, maligo ka na. Magprepare ako ng alamusal naten. Baka kasi di naman matuloy plano naten later. Di naten alam, kaya sabay na tayo kumain ngayon.” Pagpiprisenta neto na magluto. “Naks naman! Misis na misis na ang datingan!” Asar ko dito at tumungo na para kunin ang

