Chino’s POV Duda ako sa tagal ni Anjo at Sir Richard kanina. At sa gusot ng damit ng dalawang to, alam kong may ginawa sila. Di ko alam, pero nagseselos ako. Kung dahil ba sa nakipagsex si Anjo sa iba, o dahil di ako kasama. Ewan ko. Maagang nag-aya ng inuman si tatay. At nagpaiwan lahat ng kasamahan kong lalaki dito sa bahay ni tiya para makipaginuman. Nagsimula ng iikot ang Tanduay at ang kwentuhan. Maya-maya ay naglabas ang tiyahin ko ng videoke. Asarang konti, at pinipilit ng lahat na pakantahin si Sir Richard, pero hindi eto bumigay. Mamaya na raw kapag nakainom na siya. “Ganun ba sir? Sige tagayan ng tagayan yan! Hahahaha.” Pangungulit pa ng tatay ko. Unang kumanta ang tiya ko, tapos ay sumunod naman si tatay. Tapos naglagay na rin ng kanta si Jerome. Pero hindi pala siya ang

