Ren’s POV Pagpasok namen sa loob ay yung mga babae na lang na katrabaho namen ang nandoon. “San sina Sir at Jerome?” Tanong ko dito. “Hindi ko rin napansin e.” Sagot nung isa sa akin. Nilapag namen ang mga pinamili, tapos si Chino naman at ang best friend netong si Anjo ay inayos na rin ang mga ito. Kumuha eto ng malaking cooler at nilagay ang yelo doon. “Umiinom ba kayo girls? Tanong ni Sir Richard.” “Ako sir, oo, etong dalawa bebe gurls talaga tong mga to.” Si Crissa ang sumagot. “Hahahaha. Natawa naman ako sa bebe gurls.” Sagot ni Sir. “Pwede naman kameng sumama sa inyo habang nag-iinuman.” Sagot ni Shiela. “Oo. Para makabonding naman namen kayo.” Sagot ko dito. Maya-maya ay dumating na si Sir Greg at si Jerome. “San kayo galing?” Tanong ko kay Jerome. “Ah. Ano. Tinignan lan

