Chapter 9

1040 Words
"I HATE MY LIFE! Gusto ko lang naman is freedom!” hinaing ni Samuel kay Christine, “Seriously, nagpaplano na nga akong bumukod, eh! At alam kong kaya ko na. Ngayon pang malaki-laki na rin ang kinikita ko sa pagiging Vlogger. And I’m proudly to say na umabot na ng almost two-million ang subscribers ko dahil sa mga prank at paranormal activities na content ng channel ko. Nagagawa ko na ring mag-guest sa mga kilalang network station. At may sarili na rin akong fans club. But unlucky to say, hindi sang-ayon ang Daddy ko sa career na pinili ko. Gusto niya na ako ang humalili sa kanya sa pagpapalakad ng Event Management Achuchuchu niya! Oo, alam ko namang marangal na trabaho iyon. At ang negosyo naming iyon ang kinabubuhay ng angkan ko since 80s. Pero, hindi ko hilig ang mga ganoong bagay! Ang gusto ko ay adventure! More adventure! Ang magtravel! I want to explored myself sa buong mundo lalo na sa mga bagay na hindi maipaliwanag ng science. Graduate ako sa isang kilalang university, then ibuburo ko lang ang aking sarili sa pagsunod sa kagustuhan ng Daddy ko? Sucks! Twenty-four years old na ako ngayon, pero kung tratuhin ako ni Daddy ay daig ko pa ang ten years old!” litanya niyang hinaing. “Whoa! A mystery Box!” amazed na reaksyon ni Christine. “Ha?” inis ni Sam dahil sa haba kasi ng sinabi niya ay hindi man lang siya pinakinggan ng nobya. Katulad ni Samuel, mahilig din si Christine sa mga scary stuffs. Siya, si Christine, si Ike at si Madz ang mga ka-team niya sa paggawa ng vlog. At bilang mga vlogger, hindi sila nagpapahuli sa mga nauuso ngayon. Isa sa mga nagiging popular video nila ay ang tungkol sa pag-oopen nila ng mga mystery box. Paminsan-minsan ay nag-iimbento na lang sila at pinagmumukha nila itong makatotohanan. Madaya na kung madaya, pero isa sa mga strategy ng mga vlogger ang mga ganoong style para makahakot ng viewers. More views, more money to come! “Tuloy na natin! Nabitin ako, eh…” masuyong bulong na lang ni Samuel kay Christine, at sinimulan niyang yapusin muli ito. Mas interesado kasi siyang ituloy ang naputol nilang session kanina kaysa alamin ang ilalaman ng kahon. “Wait…” awat naman ni Christine na halatang mas interesado pa rin sa kahon, “…Wala ka bang balak tignan? Or buksan man lang? Nakakatakot kaya. Baka bomba pala ang laman n’yan!” Para namang nakadama ng takot si Samuel dahil sa sinabi iyon ng nobya. Sa totoo lang, hindi naman sumagi sa utak niya ang mga ganoong bagay. Mas naisip pa nga niya na baka isa lang ito sa mga naisip ni Jazz para makaganti sa kanya dahil sa madalas niya itong bully-hin. Pero may punto si Christine. Walang ideya si Samuel kung ano ang laman ng kahon. Pero bilang isang vlogger, hindi niya pwedeng palagpasin ang ganitong eksena. Kaya naman dali-dali na nilang inayos ang kanilang mga sarili. Mabilis na rin niyang sinet ang mga camera. Halos hindi na maipaliwanag ni Samuel ang kanyang mararamdaman sa mga sandaling iyon habang unti-unti nilang binubuksan ang naturang mystery box. Magkahalong kaba at excitement. Hindi ito ang unang magkakataon na magbukas sila ng ganitong kahon. Pero ito ang first time na makatanggap siya ng package mula sa unknown person. “Hala!” bulaslas niya, at kapwa sila nagkatinginan ni Christine. Bumungad sa kanilang paningin ang isang pamilyar na libro. At kung hindi sila nagkakamali, ito ang yearbook nila noong Highschool sila. Kaagad na chineck ni Samuel kung sino ang nagmamay-ari ng naturang Yearbook dahil ang pagkakaalam niya ay may kanya-kanyang kopya ang lahat ng graduating student ng taong iyon. Pero nakakapagtataka lang dahil wala siyang makitang anumang pangalan na nakasulat roon. Ang tanging napansin lang niya ay ang blangkong pahina kung saan nakasulat ang pangalan ng pinaka-controversial na istudyante ng batch nila. Si Aimee Acidera. Muli nang pinagpatuloy ni Samuel ang pagtsi-check sa loob ng kahon kahit na hindi na naging maganda ang kanyang pakiramdam matapos niyang makita ang kanilang Yearbook. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman kung bakit walang Graduation Picture si Aimee Acidera, at blangko ang page nito. After kasing lumabas ang controversial na video nito kasama si John ay wala na siyang narinig na anumang balita sa dalaga. “Look, Hon…” nanlalaki ang mga mata ni Christine nang makita nito ang iba pang laman ng mystery box. At sa hindi na maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam muli ng pagtataka at kaba si Samuel. May nakita pa siyang limang puting card kung saan nakasulat roon isa-isa ang tunay nilang pangalan nila James, John, Madz at Christine. Mayroon ring limang pirasong itim na kandila na may kani-kaniya ring pangalan nila, plus isang lighter. May kasama ring isang plastic na asin, at ilang pirasong pin. Hindi na rin nakawala sa paningin niya ang isang kulay itim na sobre kung saan nakasulat roon ang mga katagang… “Are you willing to take a risk for the STRANGER’S CHALLENGE?” “Challenge?” bulong ni Samuel sabay ang paglunok. Pero muli siyang natigilan nang may mahipo pa siya sa loob ng sobre na isang pirasong USB. Kung hindi siya nagkakamali, ganito ang madalas niyang napapanuod sa ilang vlogger na may content tungkol sa Deep or Dark Web. Pero wala talaga siyang natatandaan na umorder siya ng mystery box sa online, lalo na sa confidential na site na iyon. Kaya nakakapagtataka, sino ang nagpadala nito sa kanya? At bakit nasa box na iyon ang Yearbook nila? At higit sa lahat, bakit alam na alam ng taong iyon ang pangalan ng mga kaibigan niya? “Ang creepy!” pabulong na reaksyon ni Christine, at bumakas na rin sa mukha nito ang takot. Samantalang si Samuel naman ay hindi na nag-aksaya ng oras. Dali-dali na niyang ipinalug ang naturang USB sa kanyang laptop. Nang matapos siyang i-notify na safe ito, kaagad na niyang kinilik ang nag-iisang files na naka-install roon. At doon niya napagtanto na isa lang pala iyong audio. Black ang screen, tanging tinig lang ng isang lalaki na may malalim na boses ang nadinig niya. “You are invited to my party! Twelve midnight at The Most Haunted Mansion in Town!—” panimulang sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD