Chapter 3

1049 Words
MAY PAGDUDUDANG TINIGNAN ni Aimee si Danica. Oo, kilala niya ang Madz na tinutukoy nito, at isa sa mga kabarkada ito ni John. Pero hindi naman ugali ni John ang magkwento ng mga ganoong bagay sa mga barkada nito. Sa kanya nga, nagawa pa nitong maglihim tungkol sa arrange marriage ng kapatid nito. "Ay! Sige na, Aimee!" Pagtataboy na ni Danica, "Gora na! Baka naghihintay na si James sa'yo!" "Sige," ngumiti na si Aimee. Saka na siya tumayo sa kanyang kinauupuan, at nagmamadali siyang tumakbo palabas ng kanilang classroom. May ideya na si Aimee kung ano pag-uusapan nila ni James. Ayaw na sana niyang kausapin ito pero tama ang sinabi ni Danica. Kailangan rin nitong malaman ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Halos ramdam na ramdam ni Aimee ang pagkabog ng kanyang dibdib hanggang sa marating na niya ang rooftop. Kung saan naabutan niya si James na nakatayo roon, at parang napakalalim ng iniisip, "Nandito na ako," sabi niya. Lumingon naman si James. Wala ang ngiti sa mga labi nito, hindi katulad dati na kapag nakikita nito ang dalaga ay abot hanggang tenga ang ngiti labas pati gilagid. Bakas sa mukha nito na may dinadala itong mabigat na problema. "Magbreak na tayo," seryoso at walang prenong sabi bigla ni James. "Ha?" Daig pa ni Aimee ang binuhusan ng malamig na tubig matapos niyang marinig ang mga katagang lumabas sa bibig ng binata. Hindi niya inaasahan ang mga narinig niya mula rito. Ang buong akala niya ay magagawa nitong ipaliwanag kung ano nga ba talaga ang nangyayari tungkol sa arranged marriage nito kay Katleen. "I'm sorry..." Dagdag pa ni James. Tinangka pa nitong hawakan ang kamay ng dalaga. Pero nagawang iiwas ni Aimee ang kanyang kamay. Pagkaaran ay mabilis ring dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay bigla ring umurong ang dila niya. At halos wala siyang salitang mahalungkat sa kanyang bibig. Aktong tatalikod na si James nang sabihin na ni Aimee ang katotoohanan, "Buntis ako." Natigilan si James. Halatang nagulat sa narinig. "S-Sigurado ka ba?" nanlalaki pa ang mga mata nitong tinitigan ang kausap. Hinalungkat na ni Aimee ang loob ng kanyang bag. Kinuha niya mula roon ang pregnancy test na ginamit niya. Pagkaaraa'y inabot niya ito sa binata. Kinuha naman iyon ni James. At tulad ng inaasahan ni Aimee, nakita niya ang gulat sa mukha nito habang tinititigan ang naturang bagay na iyon. Hindi na nakaimik si James. Pero bakas na bakas sa mukha nito ang labis na pagkabalisa. Ilang saglit pa ay bigla itong napamura. Napakunot ang noo ni Aimee dahil ito ang unang beses na marinig niyang magmura ito, "Ngayon sabihin mo, ano ang plano mong gawin?" seryosong tanong niya sa binata. "H-Hindi ito pwedeng mangyari. H-Hahanap ako ng taong pwedeng makatulong sa atin para ipalaglag ang bata," wala pa ring prenong mungkahi ni James. Para namang nagpintig ang dulo ng tenga ni Aimee sa kanyang narinig. Para na ring may matatalim na kutsilyo ang biglang isinaksak sa dibdib niya at dumiretso ito sa kanyang puso. At dala na rin ng pagkabigla, wala sa loob na nabigyan niya ito ng isang malutong sampal, "Hindi mo ako kayang panindigan?" hinanakit niyang tanong rito. "Alam mo naman na hindi pwede! Sorry, kung hindi ko sinabi sa'yo na... Aimee, matagal na akong engage kay Kath! Malaki ang mawawala sa kompanya ng Family ko sa oras na hindi ko pakasalan si Kath!" Pagtatapat na ni James. "Matagal ka na palang engage kay Kath, bakit niligawan mo pa ako?!" umiiyak na tanong ni Aimee, at minsan pa niyang hinampas ang braso ng binata, "Bakit hinayaan mong..." "I'm sorry..." tanging nasambit ni James. "I'm sorry?" Natigilan si Aimee. Para na siyang unti-unting pinapatay sa bawat pagbitaw nito ng salitang 'sorry'. Lalo lang nitong pinamukha sa kanya na wala itong balak na panagutan ang dinadala niya. Hindi niya akalain na handa nitong isakripisyo ang magiging anak nila para sa kapakanan ng pamilya nito. "Sorry, hindi talaga puwede!" diin ni James. "Hindi ko kayang gawin ang gusto mo!" mariin ntinitigan ni Aimee ang binata, "Ibang klase ka rin, noh? Hindi ko akalain na kaya mong patayin ang anak natin para lang sa kapakanan ng pamilya mo! Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo! Hindi ganyan ang kilala kong James!" "Oo ganito ako! Ito ang totoo'ng ako!" Singhal ni James. Gulat na natigilan naman si Aimee, "Nagsisisi ako kung bakit nagkagusto ako sa'yo!" maingiyak-ngiyak niyang sabi. Nagpakawala ng marahas na hininga si James, "Magsisisi ka hangga't gusto mo. Kahit anong sabihin mo, itutuloy ko ang plano ko! Ipapalaglag natin ang batang iyan!" diin pa rin nito. Sa muling pagkakataon ay muling binigyan ni Aimee ng malutong na sampal ang binata. Wala nang salita pang lumabas sa kanyang bibig, at umiiyak na niyang tinalikuran ito. Hindi na niya kayang kausapin ito. 'Ni hindi na niya kayang tignan pa ito. Para na itong isang demonyo sa kanyang paningin na kaya siyang patayin anumang oras. Oo, problema ang dalang ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Pero hindi niya kayang ipalaglag ito. Hindi niya kayang patayin ang sarili niyang anak. Patakbo nang umalis sa lugar na iyon si Aimee. Malalaking hakbang kanyang nilaan patungo sa Ladies' Comfront Room. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya. Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kanya, o di kaya ay pagkamalan siyang multo na umiiyak sa loob ng CR. Halos ilang minuto rin ang tinagal niya sa loob ng cubicle bago na siya nagpasyang lumabas na. Patungo na sana siya sa next class niya nang masalubong naman niya si Miss Barbara, ang tumatayong principal sa kanilang eskwelahan. "May I talk to you, Miss Acidera?" tanong nito, at bumakas ang pagkaistrikto ng mga mata. "S-Sure, Ma'am!" magalang namang tugon ni Aimee saka na siya sumunod rito patungo sa opisina niti. Pagkaraan ay hindi niya maiwasan ang kabahan ng inilabas nito ang isang folder kung saan nakarecord roon ang mga naging resulta ng nagdaan niyang exam. "What happened, Miss Acidera? Habang tumatagal ay hindi na nagiging maganda ang nakukuha mong mga grades! Kakatapos lang ng Periodical Exam. At kung magpapatuloy ang ganito, posibleng mawala ang scholarship mo! At hindi ikaw ang mapipiling Valedictorian. Hindi excuse na under ka sa Foundation ni Atty. Lucas Ramos, ija! May mga patakaran tayong sinusunod sa eskwelahan na 'to!" Mataray na sabi ni Miss Barbara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD