Nasa loob sila ng opisina ngayon, at gaya ng alok ni Xero kahapon, pinaunlakan niya sila rito. Gwen was in her cropped brown off-shoulder top and short shorts, carrying a backpack that complemented her figure. “Alas dos.” Kakarating lang nila dito. Nag-lunch muna sila sa bahay bago tumulak. Kaya natagalan si Xero. Lumingon si Gwen kay Kaisha, at napansin ang kamay nitong nakapatong sa desk ni Xero. Lumapit siya at ngumiti. “Feel na feel mo, huh?” Nakita ni Kaisha ang bahagyang pagkagulat ni Gwen nang makita ang diamante sa kanyang daliri. “Is that your engagement ring?” Sinubukan ni Kaisha itong itago, pero huli na. Naramdaman na ni Gwen ang ginawa niya, kaya nilahad niya ang kanyang kamay. “Patingin.” Nagsigh si Kaisha at dahan-dahang inalis ang singsing mula sa kanyang daliri. K

