Hindi na alam ni Kaisha kung panaginip na lang iyon o imahinasyon pa rin. Gusto niya ang isang bagay nang todo-todo na kahit pagod na ang kanyang katawan, hindi pa rin tumitigil ang kanyang isip sa kakaisip tungkol dito. Sa kanyang panaginip, ginamit niya ang perang ibinigay ni Gwen para makapag-aral ng kursong gusto niya. Umalis siya sa bahay at naghanap ng matitirhan. Kaya niya ang mag-isa. Hindi niya kailangan ng gabay ng kahit sino para maging responsable. Nang makapagtapos siya, agad siyang naghanap ng maayos na trabaho. Pinagbutihan niya ito, kaya’t mabilis din siyang napromote hanggang sa nakabili na siya ng sariling matitirhan. Napaka-detalye ng bawat eksena sa kanyang panaginip—ang evolution ng mga kasuotan niya, ang maliit ngunit efficient na apartment na tinitirhan niya, at i

