Ilang sandali ang lumipas na ang tanging naririnig sa paligid ay ang mabibigat na paghinga nilang dalawa. Hirap si Kaisha sa ginagawa ni Xero sa kanya, at pilit niyang iniintindi ang sitwasyon. Halos mag-aaway pa sila kagabi, pero ngayon, narito sila sa ganitong estado. “You didn’t pursue architecture because the school was far, right?” biglang tanong ni Xero, basag sa katahimikan. Napakurap si Kaisha at bahagyang sumulyap sa liwanag ng pababang araw. “Oo. Tsaka mahal din.” Malalim ang buntong-hininga ni Xero. Sinulyapan niya ang hati ng mukha nito, mukhang balisa. “Pero gusto mo ba talaga ang natapos mo?” muli nitong tanong. “It’s fine. Nagustuhan ko rin. Natutunan ko ring mahalin,” sagot niya. “Wala ka bang plano na balikan ang kursong gusto mo talaga?” may kakaibang tono ang tanon

