It was a long, long journey. Pangalawang biyahe pa lang ito ni Kaisha nang ganoon kalayo—una ay noong umalis sila ng Maynila, at ngayon naman ay ang pagbabalik nila. Ang bagong apartment ni Auntie Fatima ay mas maayos kaysa sa dati. Bukod sa hindi marumi ang gilid nito, malapit pa ito sa kabayanan ng lungsod. Ang mga pader ay pininturahan ng earth colors at may mga dingding na gawa sa bato. Kitang-kita ni Kaisha ang pagkakamangha ni Auntie Fatima sa bagong tirahan. "Naisip ko tuloy kung magkano kaya ito, at kaya ba nating pag-ipunan para mabili ito?" bulong ni Kaisha sa sarili. "Hindi ko yata maa-afford ito," ani Fatima sabay iling. Nasa gate pa lamang sila at hindi pa pumapasok, tila natutulala pa rin sa kagandahan ng apartment. "Sa deductions pa lang na matatamo ko para sa

