Patalikod na nahiga si Kaisha sa kama pagkatapos ng dinner nila ni Xero. Hinatid siya nito agad sa apartment dahil sa dadaluhang party. Ibinaon niya ang mukha sa unan, basang-basa na sa mga luhang hindi niya mapigilan. Sa simula pa lang, alam na niya kung sino si Xero. Alam niyang playboy ito at pisikal sa lahat ng bagay. Alam niyang delikado, pero pinili pa rin niyang mahulog nang todo sa kanya. Alam niyang hindi dapat, pero bakit hindi niya mapigilan ang sakit? Ang tanging konsolasyon niya ay umiiyak siya nang walang nakakaalam. Mas mabuti na ito kaysa malaman ng iba. Ayaw niyang maalala ang sakit sa tuwing may magtatanong tungkol dito. "Kaisha?" Katok ni Fatima ang narinig niya mula sa likod ng pintuan. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha at tumayo para buksan ito. Madilim pa rin

