Malapad ang ngiti ni Kaisha nang pumasok siya sa bahay. Hinintay pa niyang umalis si Xero bago siya pumasok. The lights were already dim, and she expected everyone to be asleep, but she was wrong. Dalawang hakbang papasok sa bahay, sinalubong siya ni Gwen, na umiiyak at naghihisterya. Agad siyang tinulak ni Gwen, at muntik nang mawalan ng balanse si Kaisha. Kung nakainom siya, paniguradong hindi na niya naayos ang kanyang posisyon. "f**k you!" sigaw ni Gwen. Umatras si Kaisha at inayos ang sarili. Sinubukan ulit siyang itulak ni Gwen, pero umilag siya. "Napakawalanghiya mo! Hindi ba nag-usap na tayong dalawa?! At talagang kinalat mo pa talaga na fiancee mo si Xero, huh?" Pinandilatan ni Kaisha si Gwen, nakakaramdam na ng pagka-frustrated. Gusto na niyang magpahinga at may trabaho pa k

