Habang lumilipas ang mga araw ay unti-unting nahuhulog ang loob ni Hanie kay Sam dahil sa ipinakikita nitong pagpapahalaga sakanya.
Ibat ibang emosyon ang kanyang darama sa tuwing magkasama at magkalapit sila sa isa't isa.
Nakakatakot man ang ugali nito ay kay Hanie lang naman ito lumalambot.
Di man sabihin ni Sam ang kanyang nararamdaman para kay Hanie ay alam nang lahat kung gaano ito kainlove kay Hanie.
Kita naman sa kilos at gawi nito.
Masaya si Hanie sa itinatakbo ng lahat lalo na pag nasa school siya,ngunit sa tuwing uuwi na siya ay ibayong takot at pag-aalala ang hatid sakanya.
Pag nasa bahay na kasi siya ay kakaiba ang kanyang mundo,malungkot at nakakatakot.
Minsan walang pasok, maagang gumising si Hanie para umpisahan ang trabaho niya sa bahay.
Habang nagpupunas ng sahig ay nagising ang pamangkin na pupungas pungas, nabangga nito ang timbang may lamang tubig at sabon na pinagbabanlawan sa pamunas niya sa sahig, kaya ang nangyari ay natapon ang laman nito at naglawa na siyang ikinadulas ng pamangkin niya.
Pumalahaw ng iyak ang bata na dahilan ng pagkagising ng mag anak.
Nilapitan agad ito ni Hanie kahit magkandadulas dulas siya sa natapong tubig sa sahig.
Inalo niya ang bata para tumahan na ito sa ganoong tagpo sila nakita ng mag asawa.
"tanga tanga ka talaga! anong ginawa mo?" sigaw ng kuya niya.
"ah eh kuya natabig niya kasi ang timba kaya natapon at nadulas siya." paliwanag ni Hanie.
"kasalanan pa ng anak ko ang katangahan mo!?" nanggagalaiti namang sabi ng asawa ng kanyang kuya.
Napayuko na lang si Hanie. At pagkakuha ng ina ng bata sa bata ay siya namang pagsabunot ng kuya niya sakanya.
Kinaladkad siya nito papuntang kwarto.
Wala namang magawa si Hanie kundi iiyak ang sakit ng pagkakasabunot sakanya.
Pagkapasok niya sa silid ay binalibag ng kuya niya ang kanyang pintuan.
"bwisit ka! ga**! wag kang lalabas dyan! hindi ka kakain sa maghapon! tanga tanga ka kasi! bwisit!" sigaw nito sakanya kahit nakasara na ang pinto ay rinig na rinig niya ang mga sinabi nito.
Tahimik na lang siyang umiyak sa sulok habang basang basa ang damit niya sanhi ng pagkakadulas sa sahig ng natapong tubig.
Isang malamig na haplos sa kanyang buhok ang kanyang naramdaman na kanya ring ikinatingala.
Ngunit wala siyang nakitang sinuman...
"hanie...araw araw ka na lang nahihirapan,araw araw ka na lang nasasaktan. Di ka ba naaawa sa sarili mo?" sabi ng malamig na tinig.
"okay lang naman ako,tsaka kasalanan ko naman eh ang tanga ko kasi..hik." sagot ni Hanie.
"hanggang kelan ka ganyan? hanggang kelan mo kakayanin?" naaawang sabi ng tinig.
"hanggat kaya ko..hik." sagot pa niya uli, habang pinipigilan na ang pagluha.
"igaganti kita!" sabi ng tinig at isang bagsak ang gumulantang kay Hanie ng bumaliktad ng pabalabag ang lamesa niya sa kwarto.
Nanlalaki ang kanyang mata sa nakita,siya namang pagbukas ng pintuan na iniluwa ang kanya kuya na masama ang tingin sakanya.
"nagdadabog ka? ang kapal ng mukha mo! sampid ka lang dito gaganyanan mo ko? wala kang utang na loob. Kinupkop ka namin! palamunin ka lang!" nanlilisik na mga matang sabi pa nito.
Akmang papasok sa silid niya ang kanyang kuya ng biglang bumagsak ang kabinet na humarang sa daan ng kuya Cam niya.Na ikinagulat naman nito.
"tarantado ka ahh! papatayin mo ba ako ha at ginawan mo ng paraan para sadyaing tumumba iyan sa pagpasok ko?demonyita ka!" sabay balabag uli ng pinto pasara.
Nanginginig naman sa takot si Hanie sa nasaksihan.
"aaahhh!" sigaw ng kuya Cam niya sa labas ng kanyang silid.
Dali dali niyang tinungo ang pinto pagbukas niya ay tumambad sakanya ang dugong nagmumula sa paa ng kuya Cam niya habang nakatusok ang kutsilyo na tinanggal naman ng asawa nito.
"Hayop!" sigaw nito kay Hanie.
"bwiset ka hanieeeee!!" muling sigaw nito sakanya.
Ang eksena kasi nang paglabas ng kuya niya sa kanyang silid ay nagtungo sa kusina at kinuha ang kutsilyo at sa di malamang dahilan ay nanigas ang kamay nito na animoy may umaawat sa kamay niya kaya nabitawan nito ang kutsilyo na saktong nahulog sa paa niya.
'hahahahahaha' tawa ng tinig sa tenga ni Hanie.
'ayan ang dapat sakanya! kulang pa iyan! hahahaha' sabi pa nito.
"lumayas ka sa paningin ko! bwiset ga**!" sigaw muli ng kuya niya sa kanya.
Kaya muli niyang sinara ang pinto at naupo sa isang sulok.
"nakita mo ang ginawa ko di ba?" sabi ng tinig.
"tigilan mo sila...wag mong gawin to maawa ka.. sino ka ba talaga?" tanong ni Hanie.
"magpakita ka." sabi pa niya.
"gusto mo ba talagang makilala at makita ako?" sabi ng tinig.
"oo" sagot niya.
"hindi pa napapanahon,pero sasabihin ko ang pangalan ko. Ako si Lady B. Okay na muna yan." sabi nito.
"Lady B? magpakita ka.." ngunit wala ng tugon mula rito.
"magpakita ka! Nasaan ka na?" sabi ni Hanie.
Hanggang sa napagod na lang siya at nakatulog sa pwesto niyang basang basa pa ang suot na damit.