Lumipas ang mga oras at natapos na ang siyam na pares ng manlalaro ngayon naman ay dadako na kami sa pangalawa sa huli.
Pagtunton pa lang ng isang manglalaro ay nakaramdam na ako ng bigat sa kanyang pwersa.
"Ano 'to?" tanong ko na lang.
Tumagal ang labanan ng mga naunang pares ngunit dito sa huli ay umabot lang ng ilang segundo at napatay na niya ang kalaban niya.
Pagkamatay ng kalaman niya ay kinain niya agad ang kaluluwa nito at pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang kamay sa itaas.
Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat dahil sa pinakita niyang galing. Tumingin siya sa akin at bumaba na siya sa arena.
Habang nakatingin ako sa kanya ay tinawag ko sina Amain at Kora.
"Halika 'yong dalawa dito." tawag ko sa kanila habang sinesenyas ang kamay ko.
Lumapit naman agad sa akin ang dalawa at tumugon sa akin.
"Ano po 'yun mahal na hari?" tanong nila sa akin.
"Bibigyan ko rin kayo ng kalayaan kung anong gusto niyong mangyari sa laban na ito. Pareho ko kayong binigyan ng gamot na pampalakas at patas kayo na nabigyan nito. Bigyan niyo ako ng magandang laban at katulad ng sinabi ko sa inyo kanina bibigyan ko kayo ng dagdag na lakas," Utos ko sa kanila.
"Masusunod mahal na hari."
Lumipad na sa arena ang dalawa at ilang sigundo lang ay nagsimula na silang magsagupa na dalawa. Hindi ako nakaramdam ng kakaibang enerhiya sa dalawa kahit pa binigyan ko sila ng pampalakas nila. Habang nanunuod ako sa dalawang tauhan ko ay tumingin muli ako sa direksyon kung nasaan ang kawal na ito at tinawag ko siya dito sa pwesto ko.
Tinawag ko ang atensyon niya at agad naman siyang tumugon sa akin at umakyat dito sa pwesto ko.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na hari?" tanong niya sa akin.
"Ano ngang pangalan mo?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Alessandro," tugon niya.
"Alessandro. Anong angkan ka?" tanong ko muli sa kanya.
"Nagmula po ako sa angkan ni Abu Bapan,"
"Sino ang mga magulang mo?"
"Namatay na po silang pareho,"
"Wala akong pake kung buhay o patay na sila ang gusto kong malaman ay kung sino ang mga magulang mo!" galit na sambit ko.
"Sina Karlon at Weva po,"
"Ok,"
"Bakit niyo po natanong?"
"Wala naman,"
"May ipapagawa po ba kayo sa akin?"
"Gusto ko lang sabihin sayo na gusto ko ang laban na pinakita mo sa akin kanina. Pagbutihan mo pa sa susunod na laban at baka kunin kita bilang kanang kamay ko,"
"Sisiguraduhin ko po na bibigyan ko kayo ng magandang laban sa susunod mahal na hari,"
"Matanong nga kita?"
"Ano po 'yun mahal na hari?"
"Bakit mo pinaslang ang kalaban mo?"
"Nakita ko ang pangalawang laban na pinaslang niya ang kalaban niya. Gusto ko lang din malaman kung anong pakiramdam ng kumain ka ng kaluluwa ng kapwa mo demonyo," lahad niya sa akin.
"Ngayon nakatikim ka na ng kaluluwa ng isang katulad mo. Anong masasabi mo ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Piling ko mas nasasabik akong makatikim ng mas malakas at masamang demonyo!" ngumingiti-ngiti niyang sambit sa akin.
"Mabuti at mataas ang iyong pangarap! Gusto ko ang kanyang mind set!" tumatawa kong sambit sa akin. "Sa susunod na laban natin ay galingan mong lumaban upang makakain ka pa ng mga kaluluwa! Gusto ko sa susunod na pagsugod natin sa kaharian ni Zeptta ay magwawagi tayo!"
"Masusunod mahal na hari!"
Pinatigil ko lang si Alessandro sa tabi ko habang sinisipat ko ang dalawang naglalaban sa arena ngayon. Parehong duguan na silang dalawa kaya't mas natutuwa na ang mga nanonood sa kanila.
Hinihintay ko na may sumuko sa kanilang dalawa ngunit nag aalab ang kanilang mga mata na manalo sa laban na ito dahil sa pinangako kong karagdagan na lakas sa kanila.
Matagal at walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa hanggang sa nagulat na lang ang marami ng biglang nagtaas ng kamay si Kora at pinapahinto na ang laban.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pasalita na ako na ititigil na ang laban nila ng biglang sinaksak ni Amain si Kora sa harapan nito. Tumagos ang espada ni Amain sa katawan ni Kora na ikinabagsak niya sa lupa.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ng biglang yumuko sa akin si Amain. Napangiti ako sa ginawa ni Amain dahil itinayo niya ang kanyang pangalan sa aming lahat ngunit ang ganitong senaryo ay parang pandaraya.
Wala na akong magagawa pa sapagkat nangyari na ang dapat na hindi mangyari ngunit kahit ganun pa man ay masaya pa rin ako dahil natutong manindigan si Amain sa kanyang sarili.
Mabilis na lumabas ang kaluluwa ni Kora sa katawan niya at naging abo siya. Kinain ni Amain ang kaluluwa ni Kora at masayang ninamnam ito.
"Magaling Amain!" Bati ko sa kanya.
Hindi ko na pinaglapas pa ang pagkakataon na ito kayat ang natirang sampu na manlalaro ay maghaharap-harap muli para sa susunod na laban.
Duguan at pagod man sila ay kailangan nilang lumaban muli para sa kanilang pangarap.
"Ang susunod na laban ay bibigyan ko ng pagkakataon ang bawat demonyo na gumamit ng kanilang kapangyarihan at magbago ng anyo upang mas malakas at mas maganda ang laban na ating papanoorin ngayon! Humanda na ang mga manlalaro!' Sigaw ko.
Katulad ng nangyari kanina ay labo-labo ang pilian ng mag kakalaban. Pinababa ko na sa pwesto si Alessandro at pinalapit sa akin si Amain.
"Kumusta ka?" tanong ko agad sa kanya.
"Mabuti naman ang pakiramdam ko mahal na hari," tugon niya sa akin sabay yuko.
"Nagustuhan ko ang laban niyong dalawa ngunit bakit mo pinaslang si Kora kahit pa nagpapatigil na siya?"
"Mga takot lang ang gumagawa ng ganun at hindi sila nababagay na mabuhay pa!"
"Kanang kamay nga kita! Gusto ko ang paniniwala mong 'yan ngunit Amain," seryosong sambit ko sa kanya.
"Ano po 'yun mahal na hari?" tanong niya sa akin.
"Hindi pa rito natatapos ang iyong laban,"
"Po?"
"Ang sinumang mananalo sa sampu na kalahok ay makakalaban mo ngunit hindi muna kita ilalaban ngayon dahil sa pinsalang natamo mo,"
"H-hindi po mahal na hari! Ang totoong malakas na kawal ay hindi nagpapaliban ng laban!"
"Sigurado ka ba?"
"Nasa akin pa at nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon ang lakas na iyong ibinigay sa akin,"
"Kung gayon bigyan mo ako ng isang magandang laban at sa pagkakataon na ito ay paslangin mo siya!" tumatawa kong sambit sa kanya.
"Masusunod mahal na hari!"
"Maaari ka ng magpahinga Amain,"
"Salamat mahal na hari."
Umalis na sa tabi ko si Amain at tumungo na siya sa pwesto niya upang mag pahinga ng bahagya. Binigyan ko lang nag pagkakataon na mamili si Amain kung itutuloy niya ang laban ngayon o ipagpapaliban muna ngunit dahil sa paniniwala niya na ang mga kawal at lalong-lalo na siya ang aking kanang kamay ay dapat na ituloy ang laban kahit pa buhay ang kapalit nito.
Naniniwala ako na siya ang mananalo ngayon ngunit may agam-agam pa rin ako sapagkat iba ang nararamdaman ko sa Alessandro na 'yun.
Maingay at masaya ang lahat dahil sa laban na ito sapagkat matagal ding hindi nakakita ng ganitong laban ang mga nasasakupan ko mula ng ako ang naupong hari dito. Dahil sa gumagamit na sila ng mga kapangyarihan sila ay nagkakaroon na ng kaunting pwersa sa arena. Pinagawa ko na ng barrier ang arena sapagkat sobrang lakas na ng pwersa ang lumalabas sa kanilang sampu at kailangang-kailangan na ito dahil nasisira na ang arena dahil sa kanila.
Lahat ng kalahok ay gustong manalo kaya't ang mga lakas na nakatago ay lumalabas ngayon. Buhay na ang nakataya ngayon dahil wala sa kanilang mga mukha na gusto nilang magpatalo.
Lumipas ang ilang minuto ay natapos na ang laban ng sampu. Lima na lang ang umabante sa laban ngayon at napaslang ang kani-kanilang kalaban.
"Ang nanalo sa pangalawang round! Alessandro, Meta, Redo, Kilo at Lot!" Sigaw ni Amain.
Duguan at nanghihina na ang apat sa lima ngunit si Alessandro ay tila ba'y hindi nawawalan ng lakas. Pailing-iling akong nakatingin sa kanila nito hanggang sa lumapit na sa akin si Haram ang pinuno ng mga nangongolekta ng mga kaluluwa.
"Mahal na haring Leonon," sambit niyasa akin.
"Ano 'yun Haram?" tanong ko agad sa kanya.
"Ayon sa aking mga tauhan na pumapasok sa lagusan ay lumalakas ang pwersa ng nasa langit," seryosong sambit niya sa akin.
"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Kailangan natin ng mas malakas na pwersa!"
"Anong suggestion mo upang lumakas ang ating pwersa?" tanong ko sa kanya.
"Ang kaharian ni haring Binrum ay bihasa sa pag sapi sa mga tao,"
"Hindi ba't ang angkan ni Abu Bapan ay diyan eksperto?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Habang nag uusap kami ni Haram ay tinawag ko sa upuan ko si Abu Bapan.
"Mahal na hari," Bati niya sa akin sabay yuko sa akin.
"Anong masasabi mo na lumalakas daw ang pwersa ng langit sa mundo ng mga tao?" tanong ko sa kanya.
"Ipagpatawag niyo po mahal na hari sa masamang balita na ito ngunit gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin upang manumbalik ang mga tao sa atin," Pangmamakaawa niya sa akin. "Ang ibang kasamahan namin ay namatay dahil sa pakikipaglaban sa mga anghel na bantay sa mundo ng mga tao ngayon,"
"Wala na bang ibang paraan upang lumakas ang pwersa natin sa lupa?"
"Ang kaharian ni haring Binrum na lang po ang tanging pag-asa natin mahal na hari. Kung hindi natin sila kayang patumbahin ay kailangan natin silang kaibiganin."
Naghiyawan ng malakas ang mga nanunuod dahil tapos na ang laban ng mga bago kong kawal.
"Mag usap tayo pagkatapos ng paligsahan na ito,"
"Masusunod po mahal na hari." tugon nila Abu Bapan at Haram sa akin.
Umalis na silang dalawa pagkatapos ng pag uusap naming tatlo at tumigin na ako sa arena. Nakahandusay na ang apat na kawal doon at nanatiling nakatayo si Alessandro.
Pagkatapos na pagkatapos ng huling laban ay pumunta na agad si Amain sa arena. Nanlilisik ang mga mata nito kay Alessandro at hindi na ito mapipigilan pa. Mabilis na nagtagpo ang dalawa sa himpapawid at pagkatapos nito ay pareho silang bumagsak sa lupa.
Mabilis na nagbago ang anyo ng dalawa at bumalik ito sa dati pareho silang kritikal ang katayuan ngunit pilit na tumatayo si Alessandro sa kanyang pwesto habang si Amain naman ay nakahiga lang.
Dahan-dahan at paunti-unting tumatayo si Alessandro sa pwesto niya hanggang sa nakatayo na siya ng maayos. Paika-ika itong naglakad patungo kay Amain ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawa si Amain. Itinaas ni Alessandro ang kanyang espada at itinutok ito kay Amain ng bigla itong gumalaw.
Ngunit kahit pa gumalaw si Amain sa pwesto niya ay mabilis na isinaksak ni Alessandro ang kanyang espada kay Amain.
Napatayo ako sa pwesto ko upang makita ng mas maliwanag at mag klarado ang pangyayari. Tumingin sa akin si Alessandro at ngumiti sa akin.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang kaluluwa ni Amain at pagkatapos ay agaran itong kinain ni Alessandro.
Bumagsak sa sahig si Alessandro at nawalan ng malay kaya't lumapit agad si Abu Bapan sa kanya upang tulungan siya.
Nag paalam na aalis si Abu Bapan kaya't pinayagan ko ito kaagad.
Pagkatapos na pagkatapos ng paligsahan ay bumalik na ako sa palasyo upang mag pahinga. Nakaupo ako nito sa aking upuan habang inaalala ko ang mga nangyari kanina sa arena.
"Napakagandang laban. Alessandro tatandaan kita." sambit ko na lang sa sarili ko.