"Bonjour! Enjoy your stay, Mr. and Mrs. Collins!"
Ah, I missed here!
Medyo malamig nga lang dahil patapos pa lang ang winter season nila rito. Nagulat naman ako na sinuotan ako ni Vermone ng scarf at gloves.
"Let's go." Hinawakan n'ya ang kamay ko at sumakay kami sa isang van.
"Where are we staying?" Tanong ko.
"La Réserve Paris" Ngiting sagot n'ya at tumango ako.
'Di ako pamilyar sa hotel na 'yon pero wala pa 'man ay tingin ko na sosyal 'yon.
In just a few minutes ay nando'n na kami. Hindi na 'ko nagulat na marunong mag French itong asawa ko.
Asawa, huh?
Feel na feel mo rin, eh!
Inasikaso na n'ya lahat bago kami pumunta sa room namin. Pagdating ay 'di gaano kalaki ang room pero sapat na dahil dalawa lang naman kami. Pagbukas ko ng kurtina ay namangha ako dahil tanaw sa room namin ang eiffel tower.
Naramdaman ko siyang tumabi sa'kin at tingin ko'y pareho kami ng tinitignan ngayon.
"Like it?" He whispered.
"Yeah, let's go there!" Turo ko sa Eiffel Tower.
"We will. Do you wanna rest first or let's eat?" Tanong n'ya.
Pinakiramdam ko muna tiyan ko para alam ko pero para iwas jetlag ay sinabi kong kain na muna kami at mag-ikot sa lugar.
"You're not gonna change?" Tanong ko.
Umiling s'ya. "I'm fine with my clothing. Why?"
Umiling din ako at umalis na kami. Dinala n'ya 'ko sa isang resto rito. Walking distance lang. Sabi ko s'ya na bahala sa order ko dahil wala naman ako masiyado alam dito kahit pa nakapunta na 'ko.
Him speaking French is so sexy.
Wait, what did I say?
Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya at nahiya para sa sarili. Damn.
"I ordered a salad and some bread with bacon and eggs. Is that fine with you?"
"Yeah," Sagot ko na lang.
"I also ordered hot coffee because of the weather even though I think you liked iced coffee more than hot coffee."
Damn, why is he even paying attention to small details?!
"Thank you, Vermone." I said, sincerely and he just smiled. "Sino pala magiging abogado natin for our divorce or annulment?" Tanong ko at napangiwi s'ya.
"'Wag muna natin isipin. Let's just enjoy this as a vacation. After a month 'don na tayo magpaka-stress diyan."
"If you say so." Nagkibit balikat lang ako.
Dumating na rin ang pagkain namin at mapayapang kumakain kami ngayon. I could only hear utensils clinking on plates and soft voices of people with a classical jazz music.
"The ambiance here is so peaceful." Simula ko sa convo namin.
"Wanna live here?" Tanong n'ya at tinaasan ko s'ya ng kilay.
"For a month? No. Let's stick to our plan. One week here then the rest, Philippines."
"Uh-huh, sure." Ngumisi lang s'ya at patuloy lang ang pag kain. "Where do you wanna go next?" Tanong n'ya.
"I don't know. Ikot-ikot na lang tayo?" Tanong ko.
"Hm, I have an idea." He smirked.
Ano na naman binabalak nang lalaking 'to? Napatingin ako sa kaniya habang siya'y busy na ulit kumain.
"My mom's calling." Anunsyo n'ya sa'kin. "Mom,"
"Darling! Nakarating na ba kayo ni Adeline sa Paris? You did not update me!"
Ibinago bigla ni Vermone ang puwesto ng camera kung saan kita kaming dalawa at umaliwalas ang mukha ni Tita.
"Hey, love birds! Vermone naman! Hindi ka nagsasabi!" Pinagalitan na naman niya ang anak.
"Mama, kaagad din po kasi kami umalis sa room dahil ito nga oh, we're eating." Pinakita ni Vermone ang pagkain.
"Oh, you! Adeline, darling, hope you enjoy your time with him and you must discipline that man! Always remind him to call or even text me!"
"Sure po, Tita." I smiled.
"Tita?" Tanong n'ya bigla.
Shit.
"Mama, my love." Sambit bigla ni Vermone na nang-aasar ang tingin.
"S-sorry po, m-mama." I stuttered.
"Hay, ang cute niyo! Mahal ko! Tignan mo sila oh, parang tayo lang noon."
Nagpakita sa camera ang tatay ni Vermone.
"Hey, hope you guys enjoy your honeymoon and Vermone," Tawag ni Tito-papa... sa anak. "I hope you're gonna fulfill my wish now."
Wish? What wish?
"When she's ready, papa." Umirap si Vermone at tumingin sa'kin.
"Kayong dalawa talaga! Don't force it! It will come when it's time. Baka ma-pressure bigla si Adeline nito!" Suway ng mama ni Vermone.
Pressure? Saan?
"Saan?" Tanong ko kay Vermone pero ngumiti lang s'ya at umiling.
"Don't think about it." Bilin ni Vermone kaya tumango na lang ako.
Natapos na rin ang call. Ang kulit talaga ng mama ni Vermone. I wonder ba't ang sungit ng anak n'ya? Ay, mana kay tito.
"So, where are we going?" Tanong ko nang matapos na kami kumain.
"Wala. Libot lang." Hinawakan ni Vermone ang kamay ko at takang taka ako sa sarili na hindi naman ako umaangal.
"Picture tayo!" Aya ko sa kaniya.
We both smiled at my camera and he also took pictures of me! I was amazed that he took amazing shots!
"Ikaw naman kuhanan ko." Sambit ko pero kaagad s'ya umiling kaya napanguso ako.
"I don't really post myself on my social media."
"I don't care. It's for memories oh my gosh ka naman! Dalian mo at pumunta ka roon dahil pipicture-an kita!" Pinagalitan ko s'ya and the amusement on his face looks evident.
"Okay, baby." He chuckled.
Kahit stolen ang iba ay napakagwapo n'ya! Kahit may mga picture siyang nakapikit ay ang gwapo n'ya! Why is this so unfair.
"Tired?" Tanong ko sa kaniya dahil pansin ko kanina na pilit niyang tinatago ang paghihikab n'ya.
"No, let's go back to our hotel by 4:00 or something." Tumingin s'ya sa oras. "Still early..."
Napatingin din ako sa oras at nakitang nine o'clock pa lang.
"Do you love museums?" Tanong n'ya bigla at tumango ako. "Then let's go to Louvre Museum." Inalok n'ya kamay ko at binigay ko naman.
"You like holding my hand that much?" I chuckled and he looked at me with a smirk on his face.
"I just don't wanna lose my baby V on the street."
Nairita ako sa sinabi niya kaya pilit kong inaalis ang kamay ko sa pagkahawak n'ya pero mas hinigpitan n'ya at tumawa s'ya.
"Oh, you," Sambit n'ya at hinalikan ang pisngi ko.
Natigilan ako sa ginawa n'ya kaya napatigil kaming dalawa sa paglalakad.
"What?" The smile on his face is still there.
Umiling ako at ngumiti lang din.
Dahil medyo malapit lang ang pupuntahan ay naglakad na rin kami. Hindi rin nakakapagod maglakad dahil sobrang ganda ng paligid at malamig ang hangin.
"Let's take a picture?" Tanong n'ya at tumango na lang ako.
Siya may hawak nang phone ngayon and we both smiled. We just continued walking hanggang sa makarating kami sa Louvre Museum.
"Ang daming tao..." Kumento ko at ngumuso dahil nakakatamad tuloy.
"Don't worry. VIP tayo." Kumindat s'ya.
I took a picture of the big triangular glass habang si Vermone ay may kinausap.
"Let's go."
"Huh?!" Nagtataka pero hinila na 'ko ni Vermone papasok sa museum.
Nanguna ako sa paglalakad dahil sobra akong namangha sa mga paintings and sculptures! I can't believe the talent of these legends!
I stared at one painting at sobra akong nagandahan. I fell in love with it.
Natandaan ko bigla si Vermone at pagtalikod ko ay nakita kong nakatingin lang din s'ya sa'kin na parang binabantayan ako. His hands were both inside of his pockets as he walked towards me.
Kinuha na naman n'ya ang kamay ko at walang salita ay naglakad pa kami para makita pa ang ibang art.
"These are Egyptian antiquities." Bulong ni Vermone.
"I'm amazed at how they could keep it alive until now." Bulong ko rin.
"You're amazed at how things stay until now? Or they may stay forever?"
Tumango ako. Ang galing at napatagal nila ang mga gamit na 'to.
"Ang galing nila mag-alaga." Sambit ko. "Wish that's how love works you know? Proper care with each other's hearts and having a give and take relationship. The art gives you a sense of fulfillment wherein you're so amazed and felt so relaxed with its beauty. And because you feel that, you give extra care to that art for it to stay forever on your side." I smiled and looked at him.
I saw him look amazed by my small speech, with lips slightly apart.
"I think it's not just a give and take relationship." Putol n'ya bigla sa katahimikan na namamagitan saaming dalawa. I looked up to him and he faced me, too. "In my own opinion, the man should love the woman more than how that woman loves her."
"Why?" I asked.
"I don't know if it's just me or I'm pertaining to every man. Because we can handle relationships better especially when we love our girl, for the reason that I don't want to lose her."
"O-oh... How do you fall in love then? Or how do you love?"
"When I fall in love... I fell hard. I will love her forever. I will give her the universe. I will not make her cry out of sadness as long as I live. If the heavens decide who'll go first... I'll volunteer. Because I can't go on with my life if she's not beside me."
Damn.
"Your future love will be so lucky to have you." I smiled.
At seryoso lang ang tingin n'ya sa'kin.
After that, we ate lunch at kaagad na rin kami nagpahinga dahil sobrang napagod talaga kami kalalakad.
"Ako na mag-aasikaso nang dinner natin. Matulog ka na muna." Sambit ko sa kaniya dahil kanina pa talaga siya inaantok.
Hindi na s'ya umangal dahil kahiga n'ya ay nakatulog na s'ya.
Inasikaso ko ang dinner namin at nahiga na rin sa tabi n'ya. Habang nag papa-antok ay nag scroll na lang ako sa IG.
VermoneCollins: You're the most beautiful art in my eyes.
It's a picture of me! Looking at the painting. I swiped left only to see more stolen pictures of me. The last one is our craziest selfie. Both of us were laughing, you can see the happiness in our eyes and he was kissing my cheeks.
*Flashback*
"Let me kiss you!" He laughed.
"Ah, no!" I chuckled.
"Ang kulit. Sa cheeks lang! Asawa mo naman ako!" He fired at mas natawa kaming dalawa.
He held the camera at pilit akong hinahalikan sa pisngi pero tawa kami nang tawa. Hindi ko alam kung nakuhanan n'ya 'yon.
*End of Flashback*
Napangiti ako.
Natandaan ko lahat nang sinabi ni Vermone saakin sa museum... Napatingin ako sa kaniya at nakaramdam ng inggit sa magiging mahal n'ya.
Ang suwerte ng mamahalin mo.
He's a great man indeed. I smiled at that thought.
Nakita ko rin na maraming nag comment lalo na ang mga kaibigan n'ya. Hindi ko alam pero bigla ako nasaktan na pagpapanggap lang lahat nang ito.
Pagpapanggap n'ya pa lang nakakadala na. Pagpapanggap pa lang n'ya ang sweet na niyang asawa. Paano na kaya kung mahal na niya talaga?
I looked at him while he's sleeping peacefully.
"I hope I don't fall," I whispered.
Napabuntong hininga ako. I love him now as a person. Not as my love... yet.
AdelineCruz-Collins: I love you.
I commented and as soon that comment was posted, his phone immediately beeped.
Dinumog din ng maraming likes at comments ang comment ko. Grabe, ha?
From: Kyla
YOU'RE NOT TELLING ME SOMETHING! OH, s**t. ARE YOU DOOMED?!
Message kaagad ni Kyla pero bago ako makapagreply ay naramdaman ko bigla ang braso ni Vermone sa tiyan ko.
Tinignan ko naman si Vermone pero nakapikit pa rin s'ya.
"Pahinga ka muna." He said with his bedroom voice while his eyes were closed.
Hindi ko na nareplayan si Kyla at itinabi na rin ang phone. Humiga ako nang maayos habang nakaharap sa kaniya. I hugged him and he welcomed me again with open arms.
I slept so peacefully while I was in his arms. Sabay na lang kami nagising dahil sa alarm n'ya.
"What time is it?" I yawned.
"It's 5:30" He stretched his body at yinakap na naman ako.
Pinalo ko ang braso niyang sobrang higpit nang pagkakayakp sa'kin na para bang ayaw akong pakawalan.
"Vermone," Tawag ko pero 'di ako pinansin. "You like hugging me, huh?"
"Parang ikaw hindi, ah?" Laban n'ya at natawa na naman kaming dalawa.
Pina-una na niya 'kong maligo at sinabi ko na rin na nag reserve ako sa isang resto na malapit lang dito. Paglabas ko ng banyo ay nakatingin lang s'ya sa'kin na parang inoobserbahan ako.
"Why?" Kabadong tanong ko pero umiling lang s'ya.
"Do you remember the first time we met?" Tanong n'ya.
"Yeah, I'm so pissed at you because you're so rude!" I spat.
Nakita kong nagulat s'ya sa sinabi ko at napangiti nang kaunti. "Sorry," Lumapit s'ya sa'kin at ginulo ang buhok ko bago dumiretso sa cr.
What was that?!
Kinuha ko na ulit ang phone ko para replayan si Kyla.
To: Kyla
Wtf you talkin' about? It's all for a show.
From: Kyla
Oh shut up! I know this. I predicted this!
Reply n'ya kaagad.
Umirap ako sa sinabi niya.
To: Kyla
Predict your face
"Damn." Singhal ko dahil bumibilis t***k ng puso ko.
Ilang araw pa lang kaming magkasama ano na nangyayari sa'kin?