CHAPTER 9 :
Shantal POV.
Gusto kong matawa sa itsura ni kuya jude habang nag bubunot ng binhi ng palay ilan araw na siyang tinuruan nila tatay at tito lance maging ang iba pang nag tatrabaho dito sa hacienda, pano ba naman kasi naligo nanaman ito sa putik kaya pati ang buhok nito nag sitayuan na at nanigas dahil sa putik parang nung nakaraang gabi lang nang kumatok ito sa bahay namin pinag kamalan ko pang maligno.
"Pareng jude naliligo kana ng putik hindi kasi ganiyan tignan mo itong ginagawa ko at ang iba nating kasamahan" sabi ni kuya ren-ren pinsan ko ito anak nila tito lance at tita luisa.
"Damn this kind of things" rinig kong usal nito at panay mura nito kapag hindi nito nakukuha ang tamang pag gawa sa tinuturo dito at halatang hirap na hirap na ito kahapon nga bigla itong umuwi sa subrang inis kasi tinuruan siya pano gamitin ang bao-bao pero ang nangyari natangay siya nito kasi hindi nito napaghandaan ang pag andar ng bao-bao at na out of balance ito nasibit ang paa kaya naligo nanaman ng putik at tawang-tawa kami habang pinapanood ito at dahil sa inis at napikon ata kasi pinag tatawanan namin ito umuwi ng walang paalam.
"O' ayan nag mumura kananaman, marinig ka niyan pinsan ko at kanina pa gustong matawa diyan sa itsura mo" natatawang wika ni kuya renren kaya napalingon sa akin si kuya jude hindi kasi ako nito napansin dahil busy ito sa ginagawa, napag utosan kasi ako ni nanay na patigilin muna sila sa ginagawa kay mag tanghalian na.
"Mag tigil muna daw kayo kuya jude kuya renren kasi mag tanghalian na naka handa na ang tanghalian doon sa bahay" aniya sa mga ito, walang kakurap-kurap napatitig si kuya jude sa akin, at napapansin ko pag tinatawag ko itong kuya bigla itong nakasimangot pero sinawalang bahala ko nalang.
"Sige, mauna na kayo pareng jude para makaligo at makapag-bihis ka muna" natatawa paring usal ni kuya renren habang nakatingin kay kuya jude, kaya natatawa narin ako at ayon nga padabog lumakad si kuya jude hindi ako pinansin, pikonin talaga ayaw na ayaw nito pag tawanan well sino ba naman ang gustong pag tawanan diba pero hindi ko lang mapigilan kasi nakakatawa naman talaga ang itsura nito napuno ng putik mata lang nito ang walang putik.
"Napikon nanaman ang isang yon" usal ko.
"Hahaha hayaan mo na, sige na tawagin ko muna yung iba" natatawa parin wika ni kuya renren.
"Okay kuya mauna na ako kay tulongan ko pa si nanay" muling ani ko na ikinatango lang ni kuya renren, pag ganito kasi may trabaho sa hacienda si nanay ang taga luto pero may tumutulong din naman dito kasi marami siyang iluluto sa dami ba naman ng tao nag tatarabaho dito sa hacienda hindi kayanin ni nanay ang pag luto sa malalaking kaldero, libri kain kasi pag may ginagawa dito sa hacienda, pero kung dito lang sa palayan o sa fishpond doon lang din sa bahay pakainin ang mga trabahante kasi malapit lang itong palayan at fishpond doon sa bahay namin, pero kung sa manggahan niyogan gulayan at iba pa ihahatid namin ang pag kain nila.
Nang narating ko ang bahay namin nakita kong nag hahain na sila nanay sa mahabang mesa gawa sa kawayan sa ilalim ng mga puno ginawa nila tatay at tito lance ito para doon kumakain ang mga trabahante.
"Shasha masama nanaman ang timpla ng mukha ni jude at padabog papunta doon sa banyo" tila natatawang sabi ni nanay nakasalubong ko may dala itong tray na mga naka platong ginataang langka na may monggo at bulad, kaya natakam akong bigla isa kasi yon sa mga favorite kong ulam marami talaga akong makain.
"Napikon, kasi pinagtawanan namin ni kuya renren nay" usal ko, at kinuha dito ang dalang tray, ako na ang mahatid sa mahabang mesa.
"Kayo talaga" anito.
"Kayo din naman po nay natatawa din ah" giit ko.
"Nakakatawa eh, hala sige na ihatid mo na yan doon sa mesa" ani ni nanay kaya tumango nalang ako dito at lumakad patungo sa mesa na may naka latag ng mga dahon at kanin inihaw na isda, mga hiniwang mangga at mansanas ganito palagi pano kakain ang mga trabahante laging budol fight masaya kasi, nilapag ko na ang hawak kong tray at isa-isang nilagay sa mesa ang mga ulam, at hindi nag tagal nag sidatingan narin ang iba at bawat isa nag linis muna ng kamay sa may gripo dito sa tabi ng bahay namin.
"Anak tawagin mo na si jude kanina pa yun sa banyo hindi pa lumalabas at ng makakain na" utos ni tatay sa akin.
"Opo tay" tipid kong sagot, at tinungo ko na ang banyo ano ba kasi ang ginagawa ng lalaking yon doon tumambay sa banyo?, pabulong-bulong ko.
"Kuya jude kakain na lumabas kana diyan" tawag ko dito at kinatok pa ang pinto, bumukas naman ito agad pero salubong lang ang kilay nitong nakatingin sa akin kaya tinaasahan ko siyan ng kilay.
"Kakain na bakit ang tagal mong lumabas diyan sa loob ng banyo ha?" tila yamot kong usal.
"Tsssttt" asik nitong sagot kaya nameywang ako sa harap nito.
"Alam mo ikaw kukutusan na talaga kita kung ayaw mong pag tawanan puwes gawin mo ng maayos ang tinuturo sayo alam namin anak ka ng mayaman pero hindi na ngaun nandito ka para matoto kaya kung anong ugali ang meron ka sa manila o saan lupalop ka man ng mundo galing wag mong dalahin dito at wag kang panay mura kasi hindi uso yan dito at matoto kang gumalang akala mo ba hindi ko napapansin napipilitan ka lang sa pag respeto sa mga tao dito, inosente lang ako sa ibang bagay pero marunong din akong kumilatis ng ibang tao" mahabang usal ko at hiningal ako doon ah saan ba ako kumuha ng lakas para sermonan ito, kaya napakagat labi akong tumingin dito na seryoso lang din naka tingin sa akin este sa labi ko lang pala ito nakatitig at nakita kong napalunok ito kumunot ang noo ko.
"You're done i go ahead" tila inis nitong usal at umalis na ito sa harap ko kaya napakurap-kurap ko itong sinunod ng tingin sa dami kong sinabi yon lang ang sinagot sa akin.
"Wow hanep yon ate ah, pang teleserye ang peg mo ah" saad ng tiyanak mula sa likod ko este si sam pala at pumalakpak pa ito, kaya masama ko itong tinignan.
"Kung ikaw kaya ang kutusan ko" irita kong wika.
"Nanay si ate oh" sigaw ni sam at tumakbo itong tinungo kung saan sila nanay, umiiling nalang akong pumasok sa kusina kukuha nalang ako pag kain ko dito kasi nakaramdam narin ako ng gutom.
Nang makakuha ako ng pag kain ko pumunta ako sa munti naming dining at doon umupo, nasa kalignaan na ako ng kinakain ko ng may biglang nag salita.
"Bakit dito ka kumakain?" saad nito pero hindi ko ito pinansin bagkos tinaas ko pa ang isang paa ko , sarap na sarap ako sa ginataang langga eh kaya wag niya ako istorbohin.
"Are you mad?" tanong ulit nito pero parang wala akong narinig.
"Shasha i talking to you" tila inis nitong usal ulit kaya nabitin ang pag subo ko sana at napatingin ako dito ang kulit din ng isang ito istorbo talaga.
"Puwede ba wag kang istorbo hindi mo ba nakikita kumakain ako panira ka sa sarap ng kain ko e! saka wag ka nga English ng english hello!!! nandito tayo sa pilipinas kaya mag tagalog ka!!" singhal ko dito.
"Sorry i just wan----" naputol ang anomang sasabihin nito ng tinaas ko ang hintororo ko dito.
"kasasabi ko lang wag mag english diba, kaya puwede ba kumain kana doon" yamot kong wika.
"Oo na sorry na okay, dito nalang ako kakain kukuha nalang ako ng pag kain ko sa kusina" anito kaya tinaasan ko ito ng kilay pero umalis na ito sa harap ko tinungo ang kusina namin, feel af home ang peg ng lalaking yun ah, ani ko sa isipan.
"Bestieeeeeee yaaahhhoooo here i come!!"" rinig kong sigaw ng kung sino, pero boses palang nito kilalang-kilala ko na ang best friend kong si bukikang isa pa itong bukikang na ito.
"Best makikain ako ha sarap ng ulam eh ito nga nag hingi pa ako ng inihaw na isda kay nanay susan at sinabi niya dito nalang daw ako kakain kasama mo" usal nitong muli ng makapasok dito sa loob na may hawak nga itong dalawang inihaw na isda naka lagay sa dahon ng saging, napapailing nalang akong tumayo para ipag sandok ito ng kanin.
"Istorbo ka talaga bukikang sarap na sarap ako sa kinakain ko e! at bakit ngayon ka lang akala ko tuloy hindi kana pupunta dito?" aniya dito.
"Eh tinapos ko muna kasi yung labahan ko e! kaya muntik na akong hindi makaabot ng tanghalian niyo buti nalang hindi kinapos yung pag hakbang ng paa ko tinakbo ko kasi mula doon sa am--" hindi natapos ni bukikang ang pag sasalita ng nasa kusina na kami sumunod kasi ito sa akin habang nag dadaldal, naabutan namin kasi doon si kuya jude na parang tulala naka tingin sa kamatis kalamansi at sibuyas kaya kunot noo akong napatingin dito.
"Kuya jude ako nalang ang gagawa ng sawsawan mag sandok ka nalang ng kanin sa bandehaw mag dala ka ng dalawang plato doon sa mesa kasi nandito itong si bukikang" ani ko dito at tumango naman ito.
"Bestie naman sinasabi ko sayong wag mo akong tawaging bukikang e! jen-jen o jennah bestie" bulong ni bukikang sa akin sabay kurot sa tagiliran ko kaya napaigtad ako.
"Tseee doon kana na nga at mag kuha ka ng ginataang langka diyan sa malaking kaldero wag kang pafeeling special visitor" saad ko dito sanay naman ito sa akin at feeling at home din naman itong kaibigan ko pag dito ito sa bahay bata palang kami dito na ito lagi sa bahay namin nanay at tatay nga din tawag nito sa mga magulang ko.
"Hello po pala kuya jude wag mong pansinin itong bruha kong kaibigan nuknukan ng katarayan palibaha kasi hindi pa nadidiligan kaya tinutuyo na" natatawang usal nito kay kuya jude kaya ngumiti lang ng tipid dito ang isa yung parang ngiting aso lang nakangisi, binatukan ko naman ang kaibigan ko kung ano-ano naman kasi ang pinag sasabi.
"Aray ko shasha masakit yon ha" reklamo nito, inirapan ko lang ito.
"Ano yon bukikang bulaklak lang hindi nadidiligan kaya namamatay dahil natuyo na ang mga ugat ha?" singhal ko dito at tinuro gamit ang hawak kong kutsiliyo.
"Haysss hindi mo talaga gets ang mean ko bestie di bali itong si kuya jude ang tuturo sayo para yung hindi mo alam malalaman mo, alam kong expert si kuya jude about sa diligan na yan, diba kuya jude?" daldal pa nito kaya kunot noo ko itong tinignan, si kuya jude naman hindi ito umimik pero pansin ko ang ngisi nito parang may naisip na hindi ko mahulaan kung ano, at parang close na dito itong loko kong kaibigan samantala nung isang araw lang sila nag kakilala.
"Ang ingay mo bukikang tara na nga kakain na tayo istorbo kasi kayo e!" naiirita kong ani at nauna sa mga ito pabalik sa mesa dala ko ang ginawa kong sawsawan naging favourite na ata ito ni kuya jude, at hindi pa ako busog kaya ituloy ko yung kinakain ko may mga asungot kasing istorbo sa masarap kong tanghalian.
Kinabukasan katatapos ko lang maligo pero ngayon ko lang napansin hindi ko na pala suot ang kuwintas ko na regalo nila nanay sa akin nung nag 18th birthday ko sabi pa naman ni nanay pure gold daw yon binili nila sa jewelry shop dito sa bayan ng pampanga kaya iniingatan ko yon pero saan ko ba yon nailagay hindi ko matandaan inalis ko yon sa leeg ko saka hindi yon basta-basta maalis ang lock, hinalungkat ko na ang boong sook ng kuwarto ko pero hindi ko parin makita lagot ako kay nanay sabi pa naman niya ingatan ko daw yon kasi pinag-iponan talaga nila yon ni tatay may mairegalo lang sila sa akin sa 18th birthday ko.
"Huhuhu nasaan naba yon?" naiiyak ko ng usal umupo muna ako sa gilid ng kama ko at iniisip kung saan ko nailagay yon, pero wala talaga akong matandaan kaya tumayo ako para mag hanap sa baba una kong pinuntahan itong banyo pero wala din dito kaya bumalik sa loob ng bahay dito nanaman ako sa sala nag sisilip sa ilalim ng mga bangko at mesa at kahit saan solok nitong bahay namin wala talaga kaya naiiyak na akong umupo sa sahig sapo ko pa ang mukha ko.
"O anak anong nangyari sayo bakit ka umiiyak" rinig kong saad ni nanay kaya umangat ako ng tinigin dito at pinunasan ko muna ang mga luha kong tumulo bago ako tumayo at yumakap dito.
"Nanay kasi ano, ano kasi" hindi ko masabi dito ang gusto komg sabihin kasi baka mapagalitan ako nito.
"Ssssshhh ano ba kasi yon hali ka nga dito" anito at hinila ako paupo sa bangko.
"Nay yong ku-kuwintay ko kasi na-nawala nay" nauutal kong saad dito.
"Ano!!! panong nawawala yon diba lagi mo soot diyosme! naman anak mahal pa naman pag bili namin ng tatay doon tapos nawala lang" anito.
"Hindi ko po matandaan kong inalis ko ba sa leeg ko yon nay nag hanap na po ako dito sa boong bahay pero wala e! hindi ko makita" naiiyak kong wika.
"Ano ba yan pinag uusapan niyong nawawala at hinahanap?" sabat ni tatay na kapasok lang sa loob ng bahay narinig ata mula sa labas ang malakas naming pag uusap ni nanay.
"Ito kasing si shasha sean nawala daw yong kuwintas niyang iniregalo natin sa kaniya nong 18th birthday niya" ani ng nanay niya sa tatay.
"Eh bakit nawawala yon nakita ko yon lagi mong soot pero nitong nakaraan araw hindi ko na nakita suot mo yon akala ko tinago mo lang shantal pauleen, Hernandez, Aragon" saad ni tatay na may kalakasan ang boses at pag binangkit nito ang boo kong pangalan ibig sabihin seryoso o galit ito, kaya kinabahan ako bigla napahawak ako kay nanay.
"Nag bayad pa nga kami ng nanay mo para paguhitan ng bawat unang letra ng pangalan mo tapos nawala lang" histirikal na muling usal ni tatay at naupo ito sa harap namin namin ni nanay.
"Sorry tay, nay hindi ko naman po sinadiya iwala yon kasi iniingatan ko talaga yon lalo na pinaghirapan niyo yon maibigay lang sa akin" umiiyak na ani ko, naramdaman ko naman hinahagod ni nanay ang likod ko para pagaanin ang loob ko.
"Doon sa batis lagi mong tinatambayan baka nalaglag doon sana lang walang nakita kay siguradong hindi isauli yon maliban kong may magandang loob ang nakita at isauli kong alam nito kanino ang kuwintas na yon" mahabang saad ni nanay kaya napa tayo ako agad.
"Tama baka doon nga po tay, nay pupunta na po ako doon ngayon din" mabilis kong wika, at nag lakad ako palabas ng bahay na siyang pag dating din ni kuya jude.
"Anak sandali mag patulong ka sa mga kapatid mo sa pag hanap para mapabilis" tawag ni tatay kaya napalingon ako dito.
"O' ayan pala si jude siya nalang ang isama mo" sabi naman ni nanay kaya bumaling ang tingin ko kay kuya jude nag tatakang nakatitig sa akin.
"Bakit po tita, tito saan pupunta si shasha?" taka nitong tanong.
"Paki samahan mo muna siya hijo pupunta siya doon sa batis may hahanapin lang siya doon" saad ni nanay hindi na ako umimik pa kasi gusto ko na makita yung kuwintas ko.
"Sige po wala naman akong ginagawa ngayon araw kaya dito nalang po ako nag punta" sagot ni kuya jude at inaayos pa nito ang soot nitong malapad na sumbrero farmer na farmer ito tignan sa mga suot nitong long sleeve, pantalon na kupas at boots, iniwas ko nalang ang tingin ko dito.
"Sige po nay, tay alis na po kami" paalam ko sa mga magulang ko naka dungaw sa b****a ng pinto, hindi ko na inintay sumagot ang mga ito nag patiuna na akong lumakad kay kuya jude, naramdaman kong sumunod naman ito agad sa akin.
"Ano ba kasi ang hanapin mo doon baby?" tanong nito kaya napahinto ako sa pag lakad at lumingon dito anong tingin nito sa akin sanggol tinatawag niya kasi akong baby.
"Anong tingin mo sa akin sanggol para tawagin mo akong Baby" singhal ko dito.
"Basta baby na kita kahit lagi mo akong sinungitan" anito na kumikindat pa sa akin at may ngiti sa labi na parang kakaiba na hindi ko mawari, inirapan ko nalang ito at nag patuloy sa pag lakad.
"Fvck that butt, i can't wait to touch it" rinig kong pabulong na wika nito pero hindi ko nalang pinansin pa hanggang sa dumating kami sa ilog kung saan ako laging tumatambay dahil sa ganda nito at madalas din kami nag yayaan ng mga kaibigan ko maligo dito maliban kay bukikang may iba pa akong mga kaibigan pero minsan lang kami mag kasama kasi malayo ang tinitirahan nila hindi gaya ni bukikang mediyo malapit lang sa amin ang bahay nila kaya halos araw-araw itong pumupunta sa bahay namin para gulohin ako.
Pag dating namin dito sa ilog una kong pinuntahan ang ilalim ng puno na lagi kong inoupuan habang nag pipinta at naalala ko pag naliligo ako inaalis ko pala ang kuwintas at pinatong sa mga damit ko bago ako lulusong sa tubig kasi baka bigla lang malaglag sa tubig habang naliligo ako mahirap ng hanapin pag ganon, habang nag hahanap ako napansin ko ang boots ni kuya jude sa harap ko naka yuko kasi akong nag hahanap.
"Can you tell me kung ano ba yan hinahanap mo para matulongan na kita" usal nito kaya umangat ang tingin ko dito oo nga pala pano niya ako matulongan kung hindi nito alam kung ano ba ang hinahanap ko, ingot karin minsan shasha usal ko sa sarili ko.
"HmMm yong kuwintas ko kasi nawawala kanina ko pa hinahanap hindi ko mahanap sa bahay kaya maaring dito ko nawala yon" sabi ko dito nakita ko naman kumot ang noo nito naka titig sa mukha ko.
"Anong klasing kuwintas?"tanong nito.
"Gold, heart ang pendant na may naka ukit na mga letra na SPHA" sagot ko dito at bumalik ako sa pag hahanap.
"Gaano ka importante sayo ang kuwintas na yon" muling tanong nito, kaya muli akong napatingin dito.
"Napaka importante ng kuwintas na yon sa akin kasi regalo yon nila nanay at tatay sa akin noong nag 18 ako at pinag-iiponan nila yon para mabili para sa akin at pinaligiyan nila ng initial name letter ko" malongkot kong sabi dito.
"Wag mo ng hanapin kasi kahit anong hanap mo hindi mo na makita yon kung talagang importante yon sayo dapat hindi mo maiwala" anito kaya tinignan ko ito ng matalim.
"May mga bagay talaga na kahit anong pag iingat mo bigla lang ito mawawala sayo!, palibhasa kasi sayo hindi mo maappreciate ang mga bagay na binigay o pinagkaloob sayo ng mga magulang mo kaya nga nadito sa lugar na ito hindi ba para matotong mag pahalaga sa ibang bagay kaya kung wala kang maitulong sa akin iwan mo na ako dito!!" naiinis kong wika dito, bigla naman ito natahimik kaya wag niya ako umpisahan kasi lumalabas talaga ang katarayan ko at kusang lalabas ang mga salitang hindi ko alam kung saan ko nakuha.
"Bakit ka nagagalit nag sasabi lang naman ako na hindi mo na mahanap yung kuwibtas na sinasabi mo" giit nito.
"Pano mo nasabi nakita mo ba kung saan? naiiyak kong tanong dito.
"Yes but makuha mo lang ito pag maabotan mo ako" anito at tinaas ang kamay nito, kaya lumaki ang mga mata kong napatingin sa kuwintas na hawak na nito kumikinang ito pag tinatamaan ng araw.
"Akin na kuya jude please" nag makakaawa kong usal dito.
"I have a two conditions before i give it to you" anito kaya kumunot ang noo kong napatitig dito.
"Anong condition ba? saka akin naman talaga yan kuwintas bakit hindi mo nalang ibigay sa akin may pacondition-condition kapang nalalaman" naka nguso kong wika at humalikipkip.
"Ayaw mo? kung ganun akin nalang itong kuwintas mo at ibenta ko ito sa bayan mukhang mahal pa naman ito makabili na ako ng dalawang sakong bigas at mga stock kong pag kain o di kaya mga damit ko" tila nag aasar na saad nito kaya napatayo ako ng tuwid patay ako kila nanay at tatay pag tuloyan mawala sa akin itong kuwintas, ungas kasi itong si kuya jude daming alam e!.
"Kuya jude naman e!, dami mong alam ano ba kasi yong conditions mo? tanong ko dito.
"HmMm first condition don't call me kuya jude just call me Jude, second habulin mo muna ako at kunin mo dito sa kamay ko itong kuwintas mo but before that i want to hear that you called me jude" anito na may ngisi pa sa labi.
"Yon lang ba" aniya
"Yes" anito.
"Okay ku- jude akin na yan kuwintas ko please" aniya sa malumay na boses.
"One more" anito.
"Jude ang pogi-pogi mo talaga" aniya at lumapit ako dito para hawakan ang mukha nito pero ang totoo gusto ko ng sapakin ito para ibigay na ang kuwintas ko, bigla naman ito natigilan ng dumampi ang balad ko sa pisngi nito at ngayon ko lang natitigan ng maayos ang boong mukha nito ang kinis pala kahit may balbas ito.
"Tssskk wag mo akong utoin" anito at tinabig ang kamay ko sabay takbo nito.
"Jude!!!! wag mo na akong pahirap pag maabot talaga kita ihulog kita diyan sa tubig" sigaw ko dito at tumakbo narin ako palapit dito pero ang loko tumakbo ulit kaya nag hahabolan na kami nalibot pa namin ang isang puno pero mabilis ang kilos nito.
"Shasha habol pa hahaha" natatawang wika nito kaya nag iisip ako ng magandang idea para maabutan ko ito at nang may naisip ako humakbang ako ng kunti at titig na titig sa bandand likod nito sa tabi na kc ito ng tubig mediyo malalim din yon.
"Jude wag kang gagalaw" aniya.
"Huh wag mo na akong utoin" anito.
"Basta wag kang lilingon" aniya habang humahakbang ako palapit dito.
"Shasha pag ako pinagloloko mo may kalalagiyan ka talaga sa akin" anito na titig na titig sa akin.
"Hin-di ju-jude ma-may ma-la-king bu-wa-ya sa li-kod mo" aniya na nauutal pa.
"Wa-wag mo a-ko bi-ni-bi-ro ng ga-gani-yan" anito na halatang na hintakutan na at parang nanigas na ito sa kinatayuan nito, ako naman gusto ko ng matawa sa istsura nito pero pinigilan ko muna kasi hindi ko pa nakuha ang pakay ko dito.